KUNG MINSAN, mabubuwisit ka sa ilang mga netizen na nananadya na buwisitin ka na waley lang at gusto lang mambuska.
Hindi na bago ito sa mga artists sa showbiz na kung minsan, papatulan nila ang mga netizens na ang lakas ng mga loob pero nakatago naman sa mga katauhan at pangalan na hindi mo alam kung totoo sila o mga “multo”.
Isa si Kris Aquino ang laging biktima ng mga akusasyon ng mga trolls na walang magawa at gusto lang i-provoke ka for reason na wala lang. Gusto lang nila mag-react ka.
Sa kaso ng Queen of All Media na si Kris Aquino, isyu naman sa kanya ngayon ay ang eksena niya sa pelikulang Crazy Rich Asians na produced ng Hollywood productions na Warner Brother based sa libro ng pamosong si Kevin Kwan.
May cameo role si Kris as Princess Intan na isang super rich na kabilang sa mga very, very important person na nasa guestlist sa fabulous wedding nina Chris Pang (as Colin Khoo) at Soniya Mizuno (as Aramita Lee) and eksena kung saan kasali si Krissy sa pelikula.
Short role but very important. Mayroong speaking lines si Kris sa movie kaya hindi maaaring sabihing “extra” lang siya.
Wala man sa libro ang karakter niya at idinagdag lang sa pelikula ay big deal na isinama siya sa project dahil alam ng author ng libro at sumulat na si Kevin na malaki ang impluwensya ni Tetay sa Philippine Market as a celebrity endorser and influencer at makakatulong ng malaki sa sales ng pelikula kapag pinalabas na ito sa bansa.
Pero ang isang reaction kay Tetay sa three minutes exposure niya sa pelikula ay gusto gawing isyu ng isang IG observer or miron ni Krissy.
Pero noon pa man ay handa na si Kris sa magiging kahihinatnan ng role niya in case na-tsugi ang eksena niya.
Kuwento niya noon about her character prior to the showing: “Hindi ako takot na matsutsugi ako, na nasa editing room floor ako. But it’s something na I’m sure hindi mae-edit out because she makes a grand entrance in the wedding.
Sa kanyang IG account ay may sagot ang Pinay international endorser cum influencer about the issue: “The character of Princess Intan wasn’t even in the book—ginawan ng producers ng paraan to include me—so wag na tayong choosy.
“The fact na the only Asian royalty in a film entitled @crazyrichasians came from the Philippines, I am GRATEFUL.”
Dagdag pa ni Kris at sa mensahe niya para sa Warner Brothers: “THANK YOU for the opportunity to represent the Philippines.”
Sa mga hindi nakakaalam, hindi madali makakuha ng projects at mapabilang sa isang Hollywood film project. Madami ang nagtangka at ilan lang ang mapalad.
Sa mga fans ni Kris at sa naghihintay sa pelikula ay palabas na ito sa mga cinemas nationwide.
Reyted K
By RK Villacorta