Tatlong Nurse, Biktima ng Trafficking

HUWAG N’YONG isipin na komo na maunlad ang isang bansa ay wala nang pang-aabusong nagaganap doon sa ating mga OFW. Kahit sa mauunlad na bansa tulad ng Amerika at Europa ay nagaganap ang human trafficking.

Isang NGO ang nagpaabot sa atin ng balita tungkol sa kalunus-lunos na kalagayan ng tatlong Pinay na nurse na nabiktima ng isang recuiter para diumano ay magtrabaho bilang mga nurse sa isang ospital sa Norway. Ang tatlong nurse ay ni-recruit ng isang furniture shop na Restauro Antik Maritim na pag-aari ng isang Norwegian at asawa n’yang Pinay na si Ruby Backer. Si Ruby diumano ang nag-recruit sa kanila. Sa kanilang salaysay, sinabi ng tatlong biktima na pinuwersa silang mag-apply ng loan na tig-P2.1 milyon bawat isa mula sa Den Norske Bank. Buwan-buwan, inobliga silang magbayad ng 6,000 Kroner sa bangko mula sa kanilang sahod. Inilagay rin sila sa isang tirahan, kung saan ang bawat isa sa kanila ay umuupa ng P77,000 buwan-buwan. Pinagbantaan sila ng mga recruiter na huwag magkukuwento kaninuman tungkol sa kanilang sitwasyon.

Tumakas ang tatlo mula sa kanilang tirahan at agad nakipag-ugnay sa mga NGO at awtoridad. Sa ngayo’y nagtatago sila dahil marami silang tinatanggap na banta sa kanilang buhay. Mismong ang ospital na pinasukan nila ay nasabit sa kaso. Isang kongresista sa Norway ang kumalkal sa kaso at nagbigay-daan sa pagsasampa ng kaso laban sa recruiter at sa ospital.Sa ngayon, ang aktibong tumutulong sa tatlong Pinay ay ang Norwegian Nurses Association.

Panahon na marahil na makipagkasundo ang Pilipinas sa bansang Norway at lumagda sa isang bilateral labor agreement na magbibigay proteksyon sa ating mga kababayang nagtatrabaho roon. Panahon na ring pag-isipan natin ang pagkontrol sa pagdami ng mga kumukuha ng kursong nursing sa ‘Pinas na wala namang napapasukang trabaho. Sa ngayon, daang-libo ang nurse na walang trabaho at higit 60,000 naman ang guma-graduate sa nursing taun-taon.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].  

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 48 April 2 – 3, 2012
Next articleItigil na ang Penitensya

No posts to display