SA AKING pagmamasid, tatlong pangyayari ang maaaring sumisimbolo sa repormasyon ng Simbahang Katoliko bago pa man mahalal ang ating bagong Holy See na si Pope Francis: una, ang pagtama ng kidlat sa dome ng St. Peter’s Basilica sa Vatican. Pangalawa ay ang paglabas ng puting usok sa tsimeneya ng Sistine chapel at pangatlo ay ang pagdapo ng isang seagull sa tsimeneyang nilabasan ng puting usok.
Sumisimbolo na nga ba ito ng isang pagbabago sa pananampalataya ng Simbahang Katoliko? Hayaan ninyong ipaliwanag ko ang aking obserbasyon sa tatlong simbolong nakita ko. Una, ang pagtama ng kidlat sa Dome ng St. Peter’s Basilica ilang araw pagkatapos mag-resign ng ngayon ay si Bishop Emeritus Ratzinger sa aking palagay ay isang hudyat mula sa kalangitan na maaaring nagsasabing panahon na para may mga baguhin nga ang simbahan upang sumabay sa pagbabago ng panahon. Ang paglabas ng puting usok na siya namang pangalawang simbolo ay sumasalamin sa paniniwala at pag-asa ng bilyong mananampalatayang Katoliko upang tayo ay makahanap ng susunod na lider o pastol ng simbahan. Ito ay nakaugat na pagkatapos ng pagre-resign ni Bishop Emeritus Ratzinger ang mabilis na resulta ng conclave at mabilis na paglabas ng puting usok sa chimney ng Sistine ay simbolo rin ng kagyat o mabilis na aksyong gawin ng bagong Santo Papa para sa kapakanan ng simbahan. Sa huli at pangatlong simbolo, ang seagull na dumapo sa ibabaw ng chimney ay kilalang kumakain ng isda at tulad ni Pedro ang unang Papa ay mangigisda ng tao.
Sa akin ding patuloy na pananaliksik sa kalagayan ng daigdig ay nangangailangan ng tunay na reporma at makabagong pamamaraan upang manatili ang tao sa daigdig.
Sadyang mahaba ang usapin kung babatayan na-ting reperensya ang Bibliya, samantalang ang buong daigdig, nangangailangan ng tunay na rehabilitasyon sa aktuwal nitong kalagayan upang mapalaya ang mga tao sa pagkakaalipin sa kasamaan at kapahamakan.
Ang mga lider ng relihiyon ay kinakailangang lumalapit sa Maylikha kung papaano pangunahan ang kanilang mga nasasakupan. Kung ang populasyon ng tao ay dumarami, lumalaki rin ang pangangailangan ng mga dumaraing ng kawalan ng hustisya ng katarungan, at ng kahirapan. Ang mga tupa ng Maylikha ay nagugutom at nauuhaw sa katotohanan. Ang mga pastol dapat laging handa kung papaano ipagtangol ang kanyang mga tupa sa mga lobong nais sumila sa mga ito.
Nakatanaw at nagbunyi ang mahigit na isang bilyong Katoliko sa buong mundo sa pagkahalal sa bagong 76-anyos na unang Argentinian at Hesuitang Santo Papa na Jorge Mario Bergoglio.
Bagamat hiwalay ang estado ng relihiyon, katulad lamang ito ng iisang daigdig na bilog na nagpapanagpo sa tunay na layunin, ang mapabuti ang pamumuhay na pansamantala ng tao sa daigdig na ito.
Dahil tayong tao ang pinakamakapangyarihang nilalang sa daigdig, kasabay nang ating pag-iisip ay tinatamasa natin ang buhay ng may kalayaang pumili ng sariling desisyon at kahahantungan. Kaya hindi kataka-taka ang mga paglabag sa bagay na maaring mga mali sa sitwasyon ng kalagayan ng kapwa tao.
Malaki ang impluwensya ng Katolisismo sa buong daigdig. Ang pagkahalalal ng bagong Papa ay kasabay ng pag-asang maaring maghikayat upang malunasan ang mga naghihingalong pananampa-lataya upang magamit sa tunay na pamamaraan ng ating pamumuhay materyal.
Isang bagay na halimbawa upang kumpunihin ang kinalalagyan ng bagong Ama ng Simbahang Katoliko sa mga usaping may mga anomaliya o lisya sa patakaran ng pagli-lingkod.
Isang repormasyon na sana maging tunay na giya sa makabagong daigdig na ito, upang maging isang tunay na ha-limbawa sa lahat ng relihiyon. Ang simbulong ito ay maaaring malapit nang dumating ang tunay na nagangasiwa sa mga pastol ng Diyos. Pinaniniwalaan ko ring dapat tayong nakatanim sa matabang lupa na siyang bahagi ng pagpapala ng Diyos.
For comments and suggestions: email. [email protected], cp #.09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia