BLIND ITEM: AYAW nang ibalik ng isang young TV host ang pagiging active niya sa Twitter. Nasasaktan lang daw siya at labis na naaapektuhan kapag walang pakundangan kung laitin siya ng mga followers.
Kaya kahit 200 thousand plus na ang kanyang followers ay hinayaan na niya. “Pero binabasa ko pa rin. Ayoko lang mag-tweet, dahil pag-uumpisahan na naman ng sama ng loob ko ‘yan.”
Ganyan sa twitter. Dapat, ang mga artista, matibay ang sikmura. Pero kami, ‘pag hindi namin nagustuhan ang personal tweet sa amin, bina-block agad namin.
Patagalin pa ba ang agony, di ba?
Ayaw ni N.G. ng ganyan!
NAKAKALOKAH SA FACEBOOK at sa Twitter. Wala pa ring tigil sa kapapadala ng video link kung saan nag-cry ang isang bata nu’ng masunog at mamatay si Mara sa teleseryeng Mara Clara.
Juice ko, tama na po ang kapapadala, dahil okay na po ‘yung bata. Nakausap na ni Kathryn Bernardo via skype at buhay na buhay po si Mara kahit nagka-amnesia ang bagets star.
So stop sending us the video link.
Ang gusto naming ipadala n’yong video ay ang general knowledge tungkol sa pagkakaroon ng “amnesia” ng isang tao. Gusto naming matuto pa. Nakalimutan na kasi namin ang cause nito. (Pati ikaw, Ogie Diaz, nagka-amnesia na rin?)
WORKING TITLE PA lang ba ang Pak, Pak, Holy, Pak! ng Star Cinema na palabas na sa Sabado de Gloria sa April 23?
I’m sure, wala kayong idea kung sino ang mga artistang kasali rito, ‘no? Hahaha! ‘Eto nga ‘yung sinu-shoot ngayon nina Bossing Vic Sotto at Bea Alonzo kasama sina Zaijian Jaranilla at Pokwang and directed by my good friend Tony Y. Reyes (ang fave director din ni Bossing Vic).
Co-production venture ito ng Star Cinema at M-Zet Productions. Ewan namin kung ano ang dating title nito, basta bigla naming naalala ‘yung mga title noon ng mga pelikula.
Merong Pik, Pak, Boom!, Ging Gang Gooly Giddiyap at kung anu-ano pa. ‘Eto ngayon ang Pak, Pak Holy Pak!
Naaliw lang kami. Parang ibi-nabalik ang nakaraan. Pero at least, alam nating bagong timpla ang pelikulang ito, dahil first time naman nina Bossing Vic at Bea na magsama in one movie, ‘no!
MAY TATTOO PALA sa may kanang tagiliran si Carlo Aquino. Hindi na nga lang niya ipinakita sa amin nu’ng dalawin namin siya sa shooting ng Tumbok, dahil baka “maelya” lang kami.
Ewan ko ba sa mga kabataan ngayon at ano ang kanilang nakain at karaka-raka na lang na pag may naisip, gagawin agad. Lalo na pag nagpapa-tattoo.
Pag ayaw mo na ‘yan, hindi mo na maipapatanggal ‘yan. Pag pinilit mo, isang bonggang peklat o keloid ang resulta.
Ang kinis pa namang bata ni Carlo, pero trip niyang magpa-tattoo, eh. Meron na siyang isa sa binti, pero dinagdagan pa pala. Ewan kung ano’ng kalakaran nila sa mga barkada niya.
Kahit ang magkakapatid na Geoff, Ryan at AJ Eigenmann, meron silang “Alibata” na tattoo sa kanilang katawan.
Juice ko, sino kaya sa mga artista ang may tattoo sa notes?
‘Yung friend kong si Alice, ‘yung dyowa niya, may tattoo raw sa notes. Ang nakalagay: “Aland” lang. Pero pag tumitigas daw, ang nakalagay na: “Alice In Wonderland”.
Kalokah!
Sa mga walang magawa, pas-yalan n’yo naman ang aming blogsite sa http://www.ogiediaz.blogspot.com at puwede n’yo rin kaming i-follow sa twitter @ogiediaz.
Oh My G!
by Ogie Diaz