SIGAW NG ‘DI iilan sa gitna ng pananalasa ng malubhang crime wave sa buong kapuluan.
Bakit si Batman? Nasaan ang anti-crime czar ni Pa-ngulong P-Noy? Sino nga ba siya? Si Executive Secretary Jojo Ochoa?
Yes, bayang natatakot. Si Ochoa, niño bonito ng Pangulo at pangunahing kabarkada sa Partido KKK. Isang small-time local executive, bumulusok sa kapangyarihan ng napiling Executive Secretary sa gitna ng pag-iling ng marami. Walang professional training o experience sa crime-busting. Super loaded ng iba pang tungkulin. Bakit nga ba siya?
Terrifying ang cold statistics sa Metro Manila. 10 to 12 na tao araw-araw ang biktima. Sa buong kapuluan, pandemic lahat ng uri ng krimen. ‘Di pa kasama ang walang katapusang labanan sa Min-danao at giyera laban sa NPA. Wala na halos safe at secure sa loob at labas ng bahay. Kahit magtago sa ilalim ng kama, lagot ka pa rin.
Pagtuunan dapat ng pangunahing pansin ang sitwasyon. Pasintabi muna ni P-Noy ang paglalaro ng PS, target shooting, paghahabol sa wang wang, at sobrang pagyoyosi. Maglatag ng dagliang solusyon.
Isang katutak na multiplier effects sa bansa. Peace and order breakdown ay kinatatakutan ng businessmen at investors. Apektado ang tourism. Delikado pang lalong bumagsak ang ekonomiya.
Kung ‘di kaya ni Ochoa, exit na muna. Tawagin si Batman! At kung busy si Batman, pakiusapan si Harry Potter. Alam ng apo ko ang address.
PARANG MABANGIS NA lagablab ng apoy ang pagkalat ng balitang si dating Pangulong Erap ay nagbabalak tumakbo bilang Manila Mayor. Mga iilang sipsip na kolumnista kay Mayor Lim ang umalma. Biglang naging visible ang Manila Mayor sa publiko at media.
Malaking pag-asa sa panalo si Erap. Unang-una, pagod na ang Manileño sa isang lalong pagod na pagod na Mayor. Sa panunungkulan ni Lim, lungsod ay lalong nalublob sa kumunoy at pusali.
Si Erap ay dating very successful local executive. Sa 17 taon bilang San Juan Mayor, inangat ang ekonomiya at development at binigyan ng first class quality of life ang mga mamamayan. Pinagawang mga infrastructures ay testigo ng kanyang kahusayan. Sa pag-stabilize ng peace and order siya lalong sumikat. Nilinis ang graft practices ng kapulisan. Among the local executives nu’ng panahon niya, siya ang kauna-unahang nag-install ng computer network sa city hall para bilisan ang proseso ng mga transaksyon ng tao.
Ang kanyang 74 anyos ay hindi balakid. Healthy at bull-strong pa. Minsan nabanggit niya: “Hindi ako legislator. Ako ay implementor.” Mga Manileño, pakinabangan natin ang huling hurrah ng dating Pangulo.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez