PAREKOY, PINANGANGAMBAHANG MAGING inutil ang Tawid-Pasada Program, kung saan ang benepisyaryo ay ang mga jeepney at trike operators.
Gayunpaman, parekoy, ‘di pa man nae-enjoy ay sangkatu-tak na alingasngas at puna na ang inabot ng pamahalaan.
Eh, kasi naman sa umpisa pa lang, talagang may “malas” na yata ang programa.
Una, ang panukala rito ay P600-M, naging P500-M at nang umpisahan P450-M lang ang ini-release.
Kaya hindi tayo magtataka, sa halip na ngumiti ang jeepney at trike driver, nakangiwi sila.
Ang sabi, layon nito na ibsan ang epekto ng oil price hike para sa mga maliliit na mamamayang Pinoy kaya naman humirit ang mga magsasaka at mangingisda, pero wala pa ngang sagot.
Hay naku… dapat kasi pag-aralang mabuti ang programang ibibigay… mas-yado kasi kayong nagmamadaling… MAGPAPOGI!
SIMPATIYA SA PAMILYA NI SALLY ORDINARIO, OVER-ACTING
Minsan ko nang naisulat ang hinggil sa “maling mensahe” sa pakikisimpatiya sa pamilya ng 3 Pinoy na umaktong drug mules at binitay sa China.
Parekoy, ako po ay isang parehas na tao, pero bakit naman patuloy na kumukuha ng atensyon ang pagbitay kina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain?
Hindi naman sa ako sa walang puso. Pero sa tingin ko, ang sobrang pagtulong at pagbibigay ng atensyon sa sinapit ng tatlo ay over-acting na.
Gusto ko pong linawin mga irog, na ang tatlo ay hindi overseas contract wor-kers. Kapag kasi tinawag na OFW, sila ay ligal na nagtatrabaho, may remittance, subalit sina Batain, Credo at Ordinario ay naging drug mules.
Pumayag sila sa ganoong trabaho kahit alam nilang maraming kabataan ang nasisira sa droga. Hindi kasalanan ng gobyerno kung sila ay binitay dahil sila ay nagkasala.
Now, dapat bang ibuhos ang tulong sa kanila? Hindi kaya maging precedent lamang ito ng mga nais magkaroon ng konting barya ay gagawa na ng masama at idadahilan lang ay dahil wala silang makuhang trabaho o mahirap sila.
Bakit hindi tulungan ng pamahalaan ang mga ligal na OFW, ‘yung mga nabiktima ng karahasan, ‘yung mga niloko ng mga recruitment agency.
At paano na ‘yung mga pamilya ng construction worker na namatay riyan sa Makati City? Hindi ba mahihirap lang sila kaya pumasok sa delikadong trabaho at sa kasawiang palad ay namatay sa aksidente.
Simple lang, mga giliw, kung nais tumulong sa maralita ang ating pamahalaan, bakit hindi bigyang-pansin ‘yung mga nagsusumikap magtrabaho hindi ‘yung mga umaasa lamang sa limos?
Ugaliing makinig sa aking programang ALARMA Kinse Trenta sa DZME 1530 Ang Radyo Uno, dulong kanan sa inyong tala-pihitan, tuwing Lunes-Biyernes, 6-7 am. Live streaming: www.dzme1530.com. E-mail: [email protected]; text/call: 09152121303.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303