NALULUNGKOT SI RICHARD Gomez dahil hindi tinanggap ng Bureau of Internal Revenue ang alibi niya. Nag-file na ang actor ng tax amnesty, naaprubahan at pinagbigyan naman umano ng ahensiya. Kabilang si Goma sa mga celebrities na nahaharap ngayon sa kasong tax evasion.
“I was able to avail of the tax amnesty, so with that, sana nga makita ng DoJ na grinant na ako ng BIR. Sana makita ang merits ng case at matapos na agad,” paliwanag ni Richard.
Pero ayon sa balita, kinontra ni BIR Deputy Commissioner Estela Sales ang binitawang salita ni Richard at sinabi nito na hindi qualified na ma-bigyan siya ng tax amnesty dahil nakasuhan na nila ito.
Sa ngayon, wala pang nakukuhang reaction mula kay Richard sa sinabi ng BIR. Hindi lang naman ang aktor ang hinahabol ng BIR sa diumano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis. Nand’yan sina Judy Ann Santos, celebrity director Joel Mendez, director/producer Carlo J. Caparas at marami pang big time celebrities.
NAGING MALAKING ISSUE ang pagkawala ng singsing ni Anne Curtis sa eroplano ng Cathay Pacific Airlines last Monday night. Gumawa ito ng ingay, malaking kasiraan ang pangyayaring ‘yun sa nasabing airlines.
Ayon sa pamunuan ng Cathay Pacific, ibabalik na lang nila ang kaukulang halaga na nawalang singsing ng dalaga. Nangako ang Cathay Pacific na iko-compensate nila ito na labis na ikinatuwa ng young actress.
Nawala ang David Yurman ring ni Anne worth 600 US dollars paglapag ng eroplano sa NAIA. Galing ang dalaga sa taping ng bago niyang teleser-yeng Green Rose sa Korea.
Ang singsing ay binili pa ni Anne sa Duty Free ng Hong Kong airport dahil nag-stopover ang grupo pabalik ng Manila. Pagsakay niya ng eroplano pabalik ng ‘Pinas, inilagay niya ang laman ng paper bag na naglalaman ng David Yurman sa footrest. Nang pababa na sila ng plane nakalimutan niya itong kunin. Naalala na lang niya nang nasa Immigration section na siya.
So, nang maisip ni Anne ang naiwan niyang gamit sa loob ng eroplano, agad niya itong binalikan, wala pang nakakasakay sa plane. Nanlumo raw siya dahil wala na ‘yung bag at nag-iiyak na raw siya. After an hour, nahanap nu’ng naglilinis sa loob ng eroplano ‘yung bag in a blanket compartment, wala na ‘yung box. After 15 minutes, nahanap naman ‘yung box sa kabilang compartment ng eroplano, wala na ‘yung ring.
So, talagang pinag-interesang nakawin ang mamahaling singsing ni Anne Curtis.
ANNOUNCEMENT: JUICY, ANG paborito ninyong showbiz tambayan ay may bagong timeslot na nagsimula last Monday, 11:30 PM, mula Lunes hanggang Biyernes, pagka-tapos ng Aksyon Journalismo. Mas siniksik at mas pinatindi ang mga showbiz balitang ihahatid nina Cristy Fermin, Mo Twister, IC Mendoza, Shalala at Alex Gonzaga sa Kapatid network TV5.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield