IT IS NEVER easy to say goodbye.
Malapit nang magpaalam ang teleseryeng Tayong Dalawa na nakasama natin gabi-gabi sa loob ng halos sampung buwan. Pinasilip tayo nina Audrey (Kim Chiu), JR (Gerald Anderson), Dave (Jake Cuenca), Marlene (Cherrie Pie Picache), Lola Gets (Gina Pareno), Ingrid (Agot Isidro), Ramon (Coco Martin), Greta (Alessandra de Rossi) at ng iba pa sa mahahalagang yugto ng kanilang buhay. Katulad ng mga minahal nating karakter ay nakisaya tayo sa kanilang tagumpay, umiyak sa kanilang kabiguan, nasuklam sa mga nang-aapi at nangulila sa mga minamahal.
Naging mas lalong kapana-panabik ngayon ang mga pangyayari as the story unravels unexpected twists. Naiintriga ako kung paano mapatutunayan ang kasabihang, “Sa mundong para lamang sa isa, hindi maaaring tayong dalawa” sa teleseryeng ito.
Tayong Dalawa boasts of many firsts. Kakaibang Kim, Gerald at Jake ang napanood natin because they portray more mature roles in the series. For the first time, Jake and Gerald play the roles of uniformed men. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng intimate scenes sina Kim at Gerald na tiyak na ikinakilig ng kanilang fans. Their characters went on a honeymoon in Boracay at paano magiging makatotohanan ang kanilang pagganap kung magtitigan lang sila bilang bagong kasal sa kanilang honeymoon night. Ito na ba ang hudyat ng kanilang pagsabak sa mas mature at mas daring na pagganap in their future projects?
May mga twist din ang istorya like when Jake’s character was unexpectedly “killed” in the series. Many were surprised but it was later revealed that he was still alive but was captured and tortured by the rebels. Lumabas na rin ang katotohanang kambal sina Dave at JR na nagkahiwalay when they were still infants.
Umani ng parangal mula sa Armed Forces of the Philippines ang production team ng Tayong Dalawa at sina Kim, Gerald and Jake for promoting a positive image of the Philippine Armed Forces. Sinasabing nakatulong ang series sa pagtaas ng 300% sa recruitment ng Philippine Military Academy cadets.
Bravo, Tayong Dalawa!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda