WALA NA sa ABS-CBN ang beteranong broadcast journalist na si Ted Failon na naging Kapamilya at regular na napapakinggan at napapanood sa DZMM Teleradyo at isa sa news anchor ng TV Patrol.
Thirty years ding nanatili si Ted sa ABS-CBN at kundi hindi tuluyang nagsara ang network noong July 10, 2020 ay hindi siya lilipat ng ibang istasyon.
Nitong Linggo, August 30 ay nag-release ng official statement ang ABS-CBN regarding Ted’s departure from the network.
Narito ang nilalaman ng official statement:
“Matapos ang 30 taon, magpapaalam na sa ABS-CBN ang batikang brodkaster na si Ted Failon. Huling beses nang mapapanood si Ted sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo ngayong Agosto 31.
Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang nag-udyok sa hakbang na ito.
“Bagamat nakalulungkot, iginagalang namin ang kanyang desisyon.
“Hinahangaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod ng mabuti sa bayan.
“Nagpapasalamat kami kay Ted sa dedikasyon at paglilingkod niya sa maraming taon bilang isang mamamahayag ng Kapamilya network. Si Ted ay mananatiling isang Kapamilya habambuhay.
“Hangad namin ang ikabubuti niya sa daang kanyang tatahakin.”