TINANGGAP NA NI Ted Failon ang apology ni Kris Aquino sa The Buzz noong nakaraang linggo matapos ibuking ng aktres sa publiko na magkakaroon sila ng dinner date ng newscaster sa mga darating na araw na malabo nang matutuloy dahil umatras na umano si Ted.
Sa aking ekslusibong panayam sa TV Patrol anchor noong Martes, Dec-ember 14, sa ABS-CBN Christmas Presentation 2010 sa Araneta Coliseum kung ano ang reaksyon niya sa paghingi ng sorry ni Kris dahil nakaladkad ang pa-ngalan nito sa kontrobersya, “We are ok naman. Walang problema. Ok kami.” Maikling sagot ni Ted.
Pero ayon sa aking very reliable source na isa ring anchor sa Dos, si Kris mismo ang nag-link ng sarili nito sa batikang broadcaster at sinabi pa niya on national television, “Ayaw mo bang maging brother-in-law si P-Noy?”
Bunga nito, sari-sari ang naging reaksyon ng publiko sa pahayag ni Kris. Karamihan ay negatibo lalo na sa panig ni Ted, kung saan ay malalagay umano sa balag ng alanganin ang kredibilidad ng newscaster.
“Sino pa ang maniniwala sa mga maaaring batikos ni Ted sa gobyerno ni P-Noy kung alam ng mga tao na may nagaganap na closeness between Ted and Kris,” dagdag pa ng aking source.
Mukhang sincere naman ang pag-hingi ng sorry ni Kris after she rea-lized na nabulabog si Ted sa dami ng tawag at mahigit three hundred texts na tinanggap nito.
Pabirong sinabi nga raw ni Ted kay Kris na ‘ginulo mo ang buhay ko’ after her controversial statements. Naloka ka ba Ted sa bibig ni Kris? Now you know? ‘Yun na!
SA PAREHONG OKASYON nagkaroon din ako ng pagkakataon na makapanayam ang guwapong baguhang Star Magic talent na si Ivan Dorschner kung kamusta na siya after his PBB exposure.
“I am so happy with what’s going on with my career for the past six months. Sobrang busy ako sa mga shows, events and projects. And above all, I’m so happy and excited that Im part of Shout Out. God has been so good to me and I am thankful for all these blessings,” masayang pahayag ng American-German descent actor.
Nang itanong ko naman sa kanya kung siya na ba ang next Sam Milby dahil sa guwapo ito, char-ming at malakas ang sex appeal sa mga babae at bading, mapagkumbabang loob niyang sinagot na, “Sam Milby is Sam Milby. He has gone a long way and I have high respect for him. But it’s a compliment if I am likened to be him. But I would say I want to be recognized based on my own talents and capabilities.”
Maging ang fan page daw ni Ivan sa Facebook ay halos isang milyon na ang followers. “Im so blessed and hopefully 2011 will be more fruitful and a better year for me,” pagtatapos ng young actor.
HINDI NA NGA masukat ang kasikatan ngayon ni Vice Ganda matapos niyang mapuno for the first time ang Capiz Gym sa Roxas City sa concert niya roon kamakailan. Ang legen-dary boxer lang daw na si Manny Pacquiao ang nakagawa noon dahil libre kasi ang entrance.
But this time, kahit may bayad ang concert ni Vice ay dinumog pa rin siya ng mga tao. Maging ang kanyang manager na si Ogie Diaz ay nagulat dahil napuno ni Vice ang Capiz gym. “Nakakaloka ang daming tao. Marami palang fans si Vice sa Roxas City. That is just to show na mahal na mahal ng mga taga-Roxas si Vice,” pahayag ni Papa Ogie.
Maging ang concert ni Vice sa Fiesta ng Pasig noong December 8 ay dinumog din ng mga Pasigueño. Sa dami ng tao ay naging helpless ang mga security escorts ni Vice at kulang na lang ay dambahin ang komedyante sa sobrang excitement nilang malapitan at makodakan ito.
Lalo na ngayong Kapaskuhan, kaliwa’t kanan ang mga corporate shows ni Vice dahil siya raw lagi ang request ng mga bossing ng mga kumpanya. Buhay na buhay nga naman kasi ang okasyon kapag si Vice na ang nasa entablado.
At tiyak sasakit ang tiyan mo sa kakatawa sa mga original jokes at matatalinong punchlines nito.
2010 has been truly an amazing year for Vice Ganda dahil bongga ang career nito sa Showtime na mataas ang rating at tumabo sa takilya ang unang pelikula niyang Petrang Kabayo.
Bongga ka Vice! H’wag lalaki ang ulo, ha?
Parazzing Gala
By Sherween Eslava