Teejay Marquez, ‘di raw nai-insecure sa kapwa tweens

Teejay-MarquezHINDI RAW nai-insecure ang tween star na si Teejay Marquez, kung mas nabibigyan ng magagandang role ang ibang GMA Tweens na sina Kristoffer Martin na bida sa Kahit Nasaan Ka Man, Hiro Peralta, Derrick Monasterio na parehong nagbida sa Anna Karenina, at Elmo Magalona na bida naman sa Villa Quintana. Hindi man daw siya nabibigyan ng lead role, hindi naman siya nababakante at laging nabibigyan ng trabaho ng GMA .

“Okey lang naman po sa akin at hindi ako na-iinsecure sa kanila dahil kanya-kanyang panahon lang ‘yan. Panahon nila ngayon, pero alam kong darating din ang panahon ko na mabibigyan din ako ng role na pambida.

“Thankful ako sa GMA-7 dahil lagi nila akong nabibigyan ng project like after ng Home Sweet Home, nasundan ito ng Anna Karenina at ngayon kasama ako sa Pyra, kung saan ka-love triangle ako nina Thea at Jeric.”

“Basta ang mahalaga naman sa akin, may trabaho ako. Ayaw ko kasi ng nababakante, mas gusto ko ‘yung busy ako at laging may ginagawa.”

Sa ngayon, kuntento raw si Teejay sa magandang itinatakbo ng kanyang career, kung saan bukod sa sunud-sunod na TV shows at guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7, mas lalo pang dumarami ang kanyang endoresements, ‘di lang sa bansa, kundi maging sa ibang bansa.

ISA SA Kapuso leading ladies na gustong makatrabaho ng tween star na si Hiro Peralta si Kylie Padilla na magbibida sa Adarna, na nakasama nito sa Tween Hearts. Tsika nga ni Hiro, isa si Kylie sa itinuturing niyang tween star ng GMA na magaling umarte.

Pangarap nga raw nitong makasama sa Adarna para makatrabaho muli si Kylie, lalo na’t katatapos lang ng Anna Karenina, kung saan isa si Hiro sa naging leading man, at kung saan nakasama nito ang iba pang tween stars na sina Joyce Ching, Barbie Forteza, Krystal Reyes, Teejay Marquez, Rhen Escaño, Julian Trono at Derrick Monasterio.

Sa ngayon, busy si Hiro sa paggi-guest sa iba’t ibang shows ng GMA-7 like Maynila, kung saan nakasama naman niya sina Kristoffer Martin at Barbie Forteza; One Day, Isang Araw, kung saan nakasama niya si Enzo Pineda; at sa Love Hotline.

NEWEST ADDITION sa lumalaking pamilya ng Walang Tulugan With The Master Showman ang 15 years old na Julie Anne San Jose look-a-like na si Kate Lapuz na regular ding napapanood sa Afternoon soap ng GMA-7 na Pyra.

Happy nga si Kate dahil nabigyan siya kaagad ng project ng GMA-7, kung saan isa siya sa mean girl na umaapi kay Pyra. Challenging nga raw sa young star ang maging kontrabida lalo na’t in real life ay mahinhin ito at malayung-malayo sa character na kanyang ginagampanan.

Bukod sa Walang Tulugan at Pyra, nakagawa na rin si Kate ng isang indie film na may titulong Ati, isang folktale movie, kung saan kasama nito ang isang XLR8 member at ang 3G member na si Merwyn Abel at indie actor na si Aldrich Darren.

Makakasama rin si Kate sa isang rap concert for a cause entitled “Hip Hop Madness: A Rap For A Cause” na magaganap sa Oct. 26, 7pm sa P Best Bar and Resto, Olongapo-Gapan Road, San Fernando, Pampanga at hatid ng HIP Entertainment, kung saan makakasama nito sina CrazyMix, Bianca Lapuz, Mocks Wun, Nobelistas, Jade Wunn, Young Critics, H2P Crew, Fiona Clarisse, M1, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleAnsabeee??? 10/21/13
Next articleGF ni Freddie Aguilar, nagpahayag ng labis na pagmamahal sa singer

No posts to display