EXCITED NA raw na makatrabaho ng tweenstar na si Teejay Marquez ang award-winning director na si Direk Joel Lamangan para sa indie film na Menor De Edad, kung saan isa si Teejay along with the Viva teenstars na nakapasa sa audition for the said film.
Alam daw ni Teejay na perfectionist si Direk Joel pagdating sa kanyang mga ginagawang pelikula, kaya naman daw okey lang sa kanya if ever masigawan man siya ng mahusay na director. Dahil alam naman daw nitong malaking karangalan ang makatrabaho si Direk Joel at marami siyang matututunan dito pagdating sa acting.
Bukod sa Menor De Edad, magbibida rin si Teejay sa pang international na indie film na Muhhamad/ Abdulla, at kasama sa isa pang indie film na Basement, kabituin sina Kristoffer Martin, Mona Louise Rey, Enzo Pineda, Chynna Ortaleza, Kevin Santos at Ellen Adarna.
Regular din itong napapanood sa Walang Tulugan with the Master Showman bilang teen co-host ni Kuya Germs Moreno. Endorser din ito ng Sprinto, Walker, Mario De Boro, Rescuederm, Tony and Jacky, atbp.
WAGI SA halos sa lahat ng kategorya ang Kapamilya Talents sa kakatapos na Yahoo OMG! Awards 2012 na ginanap sa MOA Arena at tanging si Solenn Heussaff lang ang GMA-7 na pumasok sa hanay ng mga winners ng manalo ito sa kategoryang Best Female Newcomer.
Win sina Kim Chiu as Breakthrough Actress of the Year, Coco Martin (Actor of the Year), Sarah Geronimo (Female Singer of the Year), Xian Lim (Breakthrough Actor of the Year), Kim at Xian (Love Team of the Year), Kim-Xi (Fan Club of The Year).
Wagi rin ang Batangas Governor Vilma Santos sa Major Impact Award, habang si Vice Ganda ang nanalo as Comedian of the Year at si Eugene Domingo as Comedienne of the Year. Naka-score din ng panalo sina Anne Curtis (Celebrity of the Year), Angel Locsin (Actress of the Year), Enrique Gil (Most Promising Actor), Kathryn Bernardo (Most Promising Actress), Daniel Padilla (Best Newcomer), Christian Bautista (Male Singer), Bianca Gonzalez (Female TV Host ), Luis Manzano (Male TV Host ), Xyriel Manabat (Child Star of the Year), Angel Locsin & Phil Younghusband (It Couple of The Year), at ang Unofficially Yours (Movie of the Year).
ALAM DAW ng tweenstar na si Kristoffer Martin na maraming fans nila ni Joyce Ching ang ayaw sa paghihiwalay ng GMA-7 sa kanilang love team, gayun din ang fans nina Bea Binene at Jake Vargas.
Pero sana raw ay maintindihan ng mga fans nila na hindi naman daw sila ang nagde-decide sa kung sino ang makakatrabaho nila.
Dagdag pa ni Kristoffer, kahit pareho sila ni Bea na ayaw mahiwalay sa kinasanayang love team, kailangan nilang sumunod sa pamunuan ng GMA-7.
Kung anong trabaho ang ibigay sa kanila at sa kung sinong artista ang ibigay sa kanila para makasama ay dapat nilang tanggapin dahil alam nila na makabubuti ito sa kanilang career. Gusto lang daw siguro ng GMA na mag-try kung papatok din ba ang loveteam nila ni Bea or kung ipareha sila sa iba.
Pero ‘wag naman daw mawalan ng pag-asa ang mga loyal Krisjoy, dahil darating din naman daw ‘yung time na magkakapareha sila ni Joyce Ching at ganu’n din si Bea at Jake sa mga susunod nilang proyekto.
SOBRANG SAYA ang naging bonding ng officers ng Upgrade Extreme Fans Club at ng winners ng contest sa katatapos na Fans Day ng Upgrade na ginanap sa Star City last July 8, 2012.
Kumpleto ang lahat ng officers ng Upgrade Extreme Fans Club sa pangunguna ng pangulo nitong si Christian Sto. Domingo, adviser na si Albert Reyes at sa ibang opisyales ng club na sina Heart Bernardo, Je-anne Artuz, Mika Yoshida , Regina Valdez, Vice president Irish May Moreno, Jhem Lacatan, at ang winners na sina Julianne Antolin, Angelika Bisquera, Fleurette Gallardo at Chelsea Joy Alacida. Ka-join din ang Fil-Japanese na si Kenjie Hayasi, JL Mision, Rhose Zharen Saet at ang inyong lingkod.
Nag-enjoy ang mga loyal na tagahanga ng Upgrade na makasama sa rides at kasabay kumain ang buong miyembro ng isa sa hottest boyband sa bansa na kinabibilangan nina K-Cee Martinez, Rhem Enjavi, Ron Galang, Armond Bernas, Raymond Tay, Mark Baracael at Miggy San Pablo.
John’s Point
by John Fontanilla