NAGLULUKSA ANG Tween Star at isa sa most sought-after na endorser sa bansa na si Teejay Marquez sa pagyao ng kanyang ama na si Mr. Manuel Madrilejo last Jan. 17, 6:45 ng gabi.
Maalalang labas-pasok ng hospital ang ama ni Teejay dahil sa sakit. At noong nakaraang araw, muli itong ipinasok sa Quezon City General Hospital dahil sa stroke at nang naglaon ay nagkaroon ng kumplikasyon. Hindi na nga nakayanan pang agapan pa ang sakit ng daddy ni Teejay at tuluyan nang bumigay ang katawan nito at binawian ng buhay last Friday ng gabi sa mismong harap ng Tween Star.
Sa Lahat ng kanyang mga kaibigan at kamag-anakan na gustong makiramay, ang labi ni Mr. Manuel Madrilejo ay nasa St. Peter Chapel sa Quezon Ave. hanggang Jan. 21 ng 5pm.
Mula sa bumubuo ng Pinoy Parazzi at ng aming editor, nakikiramay kami sa pamilyang iniwan ni Mr. Manuel Madrilejo.
“WOW! NICE, ang ganda ng tanong! Parang ayaw pa niya (Katrina Halili). Pero ako gusto ko na for the sake na magkalapit ang age nila. Pero ayaw pa muna ni Kat, kaya ‘yun na ‘yun. Hahaha!” Natatawang pahayag ni Kris Lawrence sa amin.
So,ngayon hindi muna masusundan ang baby n’yo? “I don’t know. Depende kay Kat, if gugustuhun niya. Lahat-lahat nga ng friends namin, nagsasabi na if you guys are really planning to have another baby, ngayon na ‘yun!
“Dapat ngayon na raw, kasi mahirap na kapag 3 years ‘yung gap. Maganda kung magkalapit sila. Pero sabi ni Kat sa akin, ‘wag na raw muna ngayon.”
If ever na masusundan na ang babay n’yo, ano ang gusto mo, boy o girl ulit?
“Boy! Para may magdadala ng pangalan ko. Kasi ako ‘yung last na boy sa family, para may magpapatuloy ng lahi namin, hahaha!” Pagbibiro pero seryosong pahayag ni Kris.
“May girl na kasi kami, so sana this time if magkaka-baby kami ulit ni Kat, gusto ko boy, para may little Kris Lawrence. Pero sa akin naman, whatever kung ano ang ibigay sa amin ni Kat, boy or girl, okey lang naman, basta healthy at okey ‘yung baby.
“Pero given a chance to choose, mas gusto ko talaga ang boy.” Pagtatapos ni Kris.
PERFECT TANDEM! Ito ang puwedeng sabihin sa tambalang Kim Chiu at Xian Lim, dahil na rin sa kilig factor na dala ng kanilang pelikulang Bride For Rent na pinipilahan ngayon sa lahat ng sinehang pinaglalabasan nito.
Kasama ang ilang kapatid sa panulat, sabay-sabay namin itong pinanood sa Resorts World Cinema sa isang imbitasyon.
Maganda ang istorya ng Bride For Rent, kumbinasyong ng drama, comedy at love story. Maganda ang pagkakagawa ng pelikulang ito, dahil na rin sa reaksiyon ng mga manonood na nahahagikgikan sa esksenang nagkokomedya si Kim at ilang casts ng said film, habang napapaluha naman sa madadramang eksena na hatid nito at kinikilig naman sa mga eksenang magkasama si Kim at Xian.
Swak na swak ang pagkokomedya ni Kim at Xian plus Empoy at Ms. Pilita Corrales sa ilang eksena sa Bride For Rent, habang madadala ka naman at mapapaluha sa mga madadramang eksena sa nasabing pelikula.
At kung susumahin ang buong pelikula, hindi ka lang mag-e-enjoy dahil kapupulutan pa ito ng aral tungkol sa tunay na pagmamahal, pagsasakripisyo para sa pamilya at pagmamahalan ng bawat mag-asawa at kung anong sikreto para tumagal at tumibay ang pagsasama ng mag-asawa.
John’s Point
by John Fontanilla