Ang Ben X Jim ay ang kauna-unahang BL series na prinodyus ng Regal Entertainment at kinunan sa panahon ng lockdown dahil sa pandemic.
Pagtatapat niya sa virtual presscon ng Regal, “Isang linggo kitang type. Sabi ko, baka mamaya baka mailang ka na sa ’kin kasi kahit hindi na nagro-roll yung camera, sa tingin mo baka mamaya parang nilalandi pa rin kita, or baka maharot pa rin ako sa ’yo.
“Pero for me kasi, gusto ko talagang maramdaman yung totoong feeling na gustung-gusto ko talaga si Jerome.”
Naging very cooperative din daw si Jerome sa syuting ng Ben X Jim kaya normal din yung paglabas ng kanilang mga kilig moments sa mga eksena.
“Hindi na ko pinahirapan ni Jerome kasi sobrang galing niyang magpakilig. And yun ang masasabi kong spoiler, yung mga kilig ko doon totoo. Kinikilig talaga ako kay Jerome kasi magaling talaga siya. Talagang bagay na bagay sa kanya,” lahad pa niya.
Ayon pa kay Teejay, masarap katrabaho si Jerome dahil wala itong ere sa katawan at hindi rin ipinaramdam sa kanya na mas ahead ito at isa na rin award-winning actor.
“Nung nakasama ko na siya sa Zoom meeting, nag-script reading na kami, nagkita na kami because of the swab tests, yung mga ganyang protocols namin, kumbaga, nag-meet na kami, unti-unting gumagaan kasi hindi ko naramdaman sa kanya na, ‘Hoy, mas ahead ako sa ’yo or mas kilala ako sa ’yo or something.’ Walang gan’on akong naramdaman and pagdating sa set,” kuwento ng 27-year-old actor.
Patuloy pa niya, “ Pag tinawag mo siya, ready siya. Game na game siya. And imbes na mailang ako, mas lalo akong na-inspire as an actor kasi wala, eh, parang kumbaga, binibigay niya lahat ng kailangan.
“Kaya mas lalo akong na-excite gawin yung role ko na wala akong dapat isipin, o mahiya, o mailang. Kaya good thing na siya yung naka-partner ko. He really knows how to handle a team-up like this. Kaya I’m so happy.”
Mapapanood ang Ben X Jim sa Regal Entertainment’s Facebook page and YouTube channel simula October 15. The series is written and directed by Easy Ferrer.