Teejay Marquez, pinatunayang may ibubuga sa showbiz!

 alt=


SA LOOB PA
lang ng pitong buwan bilang artista, masasabi nating bongang-bongga ang blessings na dumating sa showbiz career ng itinuturing na Newest Heartthrob ng telebisyon na si Teejay Marquez. Nitong katatapos na PMPC Star Awards for TV,

tinanghal bilang Best New Male TV Personality si Teejay, ka-tie si Derrick Monasterio.

“Hindi po ako nakatulog hanggang umaga at hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Although, alam ko pong nominated ako, pero nakita ko pong malalakas ang mga kalaban ko. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa kaya’t nagsisimba ako lagi tuwing Miyerkules sa Baclaran at sa Father Pio Shrine naman tuwing Huwebes,” masayang pahayag ng guwapong bagets.

Dahil sa tinamo niyang tagumpay, bagama’t baguhan pa lang sa showbiz, ano kaya ang masasabi niya sa mga detractor at umiintriga sa kanya? “Nakakalungkot po, pero gano’n talaga ang buhay, you cannot please everybody. Pero gano’n pa man, napaghandaan ko na po ‘yan. Ganyan talaga siguro sa showbiz, kailangang maging matibay. I guess you just have to continue doing good and strive more at work. I want to focus on positive things po kaysa negative, ‘di ka yayaman doon. Hahaha! At siguro naman po, dahil may award na ako ay masasabi kong may napatunayan na rin ako kahit konti,” mapagkumbabang dagdag ng Tween Star.

Marami ang nagtatanong kung bakit sa lola niya dedica-ted ang kanyang award? “Lola ko po kasi ang nagpalaki at nag-alaga sa ‘kin, kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya, kaya mahal na mahal ko siya at hindi ko siya pababayaan hanggang sa huling hininga niya. At siyempre po, higit sa lahat, nagpapasalamat din ako kay Kuya Germs na siyang nagbukas ng pintuan sa ‘kin sa showbiz. Salamat din po sa lahat ng bumubuo ng PMPC na nagtiwala sa aking kakayahan at kay Tito John Fontanilla at Tito Sherween Eslava na mga managers ko,” pagtatapos na pahayag ni Teejay.

STAR AWARDS SIDELIGHTS: Talaga namang maituturing na gabi ng agawan ng eksena at patalbugan ang 25th Star Awards. Bumulabog daw sa entertainment press at mga fans ang pagdating ni Ms. Mimi, ang hilarious at kuwelang radio anchor ng Wow! Ang Showbiz ng DWIZ 882 KHZ kasama ang equally funny and seasoned showbiz  writer na si Fernan ‘Ms. F’ De Guzman. And take note, number 1 daw ang WOW sa umaga!

Towering daw ang tangkad ng lola mo at nakakaloka ang elegant evening dress with matching gliterring jewelries. At totoo ba ang chika na na-insecure daw sa kanya si Madam Auring dahil natalbugan siya ng beauty ni Ms. Mimi? Ikaw na Miss Mimi, ikaw na talaga!

CONGRATULATIONS DIN SA ating columnist na si PAO Chief Atty. Persida Acosta na nanalong Best Public Service Program Host sa kanyang programang Public Atorni sa TV5. Gayundin din kay Allan K bilang Best Male TV Host para sa Eat… Bulaga!

NASA BANSA ANG Fil-Am Ultimate Fighting Championship (UFC) fighter na si Brandon Vera para suportahan sa ikalawang pagkakataon ang Pacific X-treme Combat (PXC) 28, kung saan makikipagtuos sa nasa nasabing mixed martial arts (MMA) event ang sumisikat na Filipino MMA star na si Tristan “Titay” Arenal kontra Abu Dhabi grappling champ na si Jon Tuck.

Special guest si Brandon sa nasabing MMA event of the year na magaganap na bukas (Sabado), November 26, 7 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang PCX ay mixed martial arts organization na naka-base sa Guam na dinala ang kani-lang live events dito sa bansa, na nagsimula nitong taon sa PXC 24 noong June at PXC 26 noong August.

Sa mga hindi makakapunta sa live event sa Ynares, mapapanood din ang PXC 28 via satellite sa AKTV on IBC 13 sa Sabado simula 9 pm. Ito ay hatid ng AKTV at San Mig Strong Ice, at available ang tickets sa Ticketworld (891-9999).

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleMariel Rodriguez, nagpahinga sa hosting para kay Robin Padilla
Next articleAte Shawie at Ate Vi, magtatapatan ng show?!

No posts to display