NALOKA SI Teejay Marquez sa aming interview sa kanya recently. We asked him kasi kung ano’ng reaction niya sa naglabasang listahan ng mga baklang res-petado diumano sa showbiz, kung saan kasama ang kanyang pangalan.
In a recent tweet naman sa amin ng isang follower, binansagan naman niyang ‘Paris Hilton ng Orosa, Malate’ ang Kapuso newbie.
Seryosong sagot nito, “Actually, tahimik lang kami. Pero I know myself. Nakakatawa… nakakatawa na… kasi parang sabi ng iba, ‘respected’ naman, eh. Sabi ko, thank you. Pero the thing is, I want to be a respected actor, a respected citizen, a respected Filipino.”
Depensa pa niya sa sarili, “I mean, siguro ‘pag sobrang daldal ka, bakla ka. ‘Pag sobrang tahimik ka naman, bakla ka. I think, lahat naman ng artista, sinasabihan nila ng gano’n. I know I’m just doing what I love—my passion is acting.”
Hamon pa niya sa mga naninira sa kanya, “And sa mga naninira, you will never win.”
NAKASAMA NAMIN ang mga TV5 stars sa Cebu nitong Sabado, April 13 para sa Go Fresh, Go 5 campaign ng Kapatid Network. Ginanap ang nasabing mallshow sa Park Mall, Mandaue City. Dumating sina Eula Caballero, Wendell Ramos, Akihiro Blanco, Channel Morales at Albie Casiño para magpasaya ng mga Cebuano.
In fairness, kilalang kilala ang mga Artista Academy graduates na sina Aki at Channel dito, huh! Pinagkaguluhan at tinilian ang dalawa during their numbers at pati backstage ay sinugod ng mga fans para lang makapagpa-picture na pinagbigyan naman nila.
Pero iba ang tilian at sigawan ng mga nanonood nang si Albie na ang kumanta. Sumugod siya sa audience at talaga namang mobbed as in dinumog si Albie. Ending, nakalmot ito sa braso at may kaunting pasa.
After nito, kinausap namin si Albie at walang kaere-ere nitong sinabi na mas gusto raw niya ‘yung sumugod sa mga tao during mall shows. At say pa niya, mas gusto rin daw niyang walang mga guwardiyang sumusunod sa kanya dahil gusto lang niyang mapagbigyan ang kanyang fans na gustong magpa-picture at makayakap sa kanya kahit sandali.
SA SET visit namin sa action-comedy film na Miri: Ang Huling Henya na pinagbibidahan ni Rufa Mae Quinto, masaya niyang ibinalitang nami-miss daw niya ang paggawa ng comedy, kung saan ‘yung kanyang tatak sa pagpapatawa ay kanyang maipakita. Kaya raw rito sa Miri, todo-todo raw ang kanyang paghahanda para muling mapatawa ang kanyang fans na matagal nang nag-antay ng kanyang pelikula.
Sabi niya, “Todo na ‘to, balik-pelikula na ako. Pagkatapos ng Masikip Sa Dibdib, solo ko ulit ‘yung movie. Naramdaman ko kasing na-miss na rin ng mga tao ‘yung brand of comedy ko.”
Baka raw sa Mayo na ipalalabas ito at sa nakita namin sa ilang eksena, talagang pinaghandaan ni P-Chi ang kanyang action scenes kung saan marami siyang makakalaban, may mga ninja pa nga na kanyang makakasagupa sa eksena.
Pagdating sa lovelife, single and very much willing to mingle daw siya. Hirit pa nga niya, at the age of 33, parang mas feel niya ang boys of their late 20’s. Pero pagdating sa pag-aasawa, hindi na raw niya ito naiisip pa sa ngayon.
Say niya, “Naku dati, pangarap ko ‘yun, pero sa ngayon, parang inaantay ko na lang kong meron talagang magmahal sa akin.”
Pero open kaya siya halimbawa sa artificial insemination kapag hindi siya makapag-asawa at ginusto niyang magkaanak? “Parang hindi. Gusto ko ‘yung bigay talaga ni Lord at produkto ng pagmamahalan.”
Ganu’n ba Peachy?! Puwes, hanapin na ulit si Mr. Right dahil baka mahuli ka pa ng tren papuntang Bicol. ‘Yun na!
SA ISANG event sa ‘di kalayuang probinsiya, nag-request ang isang segment host ng isang talk show na makapanayam itong si Jason Abalos, pero tumanggi raw ito dahil sa kalabang istasyon nga niya ang nasabing show.
Sa isip-isip ni segment host, bakit? Sikat pa ba siya? Or sumikat ba siya, ang tawa naming tsika sa segment host.
Dagdag pa ng segment host, “Wala namang isyu sa kanya, kaya deadma ever kung ayaw niya.
Sure na ‘to
By Arniel Serato