BUKOD KAY Christian Bautista na sikat na sikat sa Indonesiam may hukbo rin palang fans at kilala ang young actor/commercial model na si Teejay Marquez sa Indonesia na nagtayo pa ng kanilang sariling fans club, ang “Indonesian Teejaynatics”.
Updated ang mga ito sa mga project ni Teejay sa bansa, mula sa kanyang bagong TV show na Home Sweet Home, hangang sa kanyang commercials ay pinanonood ng mga ito sa YouTube.
Kaya naman sobrang saya ng mga tagahanga nito sa Indonesia nang magkaroon ito ng telecom commercial at billboard sa nasabing bansa.
Kuwento nga ni Teejay, sobrang thankful siya sa kanyang Indonesian fans dahil kahit hindi siya kalahi ng mga ito ay sinusuportahan siya.
“Very thankful ako sa mga Indonesian, especially sa mga tagahanga ko roon. Kasi kahit hindi nila ako kalahi, nandyan sila at sumusuporta sa akin. Mabuti nga nakapagsasalita sila ng English, kaya nagkakaintindihan kami. Tina-translate na lang nila sa Bahasa sa Indonesian fan page ko ‘yung mga mensahe ko para sa fans ko roon.”
Bago raw matapos ang taon, nagbabalak na bumalik ng Indonesia si Teejay para magkaroon ng mall tour at fans day. Iyon na rin daw ang paraan para mapasalamatan nito ang kanyang Indonesian fans.
AFTER MA-LAUNCH ng kanyang kauna-unahang self-titled album under Universal Records, pangarap din daw ni Alden Richards ang magkaroon ng sariling concert katulad ng kanyang iniidolong si Ogie Alcasid.
Ayon kay Alden, effortless daw kasing umawit si Ogie at sobra-sobra raw ang pagmamahal nito sa kanyang craft. Bukod pa sa magaling daw itong composer na sobrang dami na ng hit songs.
Katulad daw ni Ogie, gusto niya ring magsulat ng kanta someday at magkaroon ng hit songs na sarili niya mismong komposisyon. Happy nga raw ito dahil malakas ang air play ng kanyang first single, ang “Haplos”.
Bukod sa kanyang regular soap, kasama rin si Alden sa newest variety show ng GMA-7, ang Sunday All Stars. Ka-join din siya sa pelikulang 10,000 Hours na inspired ng true story ni Senator Ping Lacson. Kung saan young Robin Padilla ang role na kanyang gagampanan.
HINDI NAG-DALAWANG-ISIP at umamin ang kandidato ng Mr. International Philippines 2013 na si Mr Cagayan De Oro (John Rodriguez ) na ginanap sa Lancaster Hotel na may nakarelasyon na siyang bading mula sa katanungan ng naimbitang press kung sino sa mga kandidatong naroon ang may nakarelasyon nang bading.
Kuwento pa nito, nakilala niya raw ang nasabing gay nurse na Pinoy na nagtatrabaho sa USA sa Facebook. Anim na buwan silang nag-communicate through Internet. Hanggang bumisita na rito ang 40 years old male nurse para mag-meet sila.
Pero tapos na raw ngayon ang affair niya with the gay nurse dahil bumalik na ito sa Amerika at sa kasalukuyan ay meron na rin daw siyang girlfriend na kanyang ka-opisina.
Hindi raw nito ikinahihiya ang pag-amin na may nakarelasyon na siyang bading, dahil pinasok niya raw ito kaya naman daw pinaninindigan niya.
Ilan sa malaki ang tsansa among mga candidates na makapag-uwi ng Mr. International Philippines title ang kandidato mula sa Bacolod na laking-Guam at malaki ang pagkakahawig kay Xian Lim na si Jeffrey Sanchez; Mr. Negros na si Billy Villeta na bihasa na sa pagsali sa mga male pageant; at ang pinakamatangkad among the Candidate na si Mr. Lapu-Lapu na 6’3” tall na si Gil Wagas .
Ang Grand Coronation Night ng Mr. International Philippines ay sa June 21 sa Fil-Oil Flying V Arena sa Pinaglabanan, San Juan City. Inaabangan sa final nights ang swimwear competition at regional costume competition. Sa mga gustong manood at makisaya sa coronation night, tumawag sa telephone numbers 386-5014 or 0915-6263121.
John’s Point
by John Fontanilla