PARA SIYA MISMO ang makapagpatunay na “arrive” na nga ang sanrekwang bagets na pinangahasang iprodyus ng pelikula, sinubukang panoorin ito ng isang lady producer sa isang mall theatre. Bilang negosyante nga naman, nais pulsuhan ng produ kung may hatak ang mga bagets sa takilya, as this might push her to cast the teen group in her next project.
Kaso, nang tanungin daw ng mga reporter kung kumusta ang pelikula, ito ang sagot ng lady producer. “Nakatulog nga ako, eh. Hindi nap, ha? As in nakatulog talaga ako! Wala kasi akong naririnig na tilian ng mga fans, walang katau-tao sa loob ng sinehan!”
Puwedeng nagpapatawa lang ang karakter naman talagang produ, baka naman exag na lang ang kuwento ng kanyang pagkahimbing oblivious of the screaming audience who were teens themselves.
Slightly unconvinced by the producer’s story, naghanap ang mga reporter kung kanino puwedeng mai-validate ang feedback na flopchina ang naturang teen movie. One reporter stumbled upon a popular TV host and a fellow celebrity. Tanong ng reporter sa TV host: “Kumusta po ang opening day ng movie?” Pero sa halip na siya ang sumagot, ipinaubaya niya ‘yon sa kanyang kasama, “Alanganin kasi, eh, hindi pa suweldo.”
But the same reporter’s quest for truth, ‘ika nga, did not end there. Nagkataong nakasalubong naman daw niya sa daan ang driver ng TV host na nauna niyang napagtanungan. He posed the same question about the movie’s opening day. Sagot daw nito, “Alanganin kasi, eh, hindi pa suweldo.”
Same question, same answer from both respondents gayong hindi naman sila parang mga Top 5 finalists sa isang international beauty pageant who are inside an isolation booth during the final interview portion!
So, ano kaya ang ibig sabihin sa pareho nilang sagot na ‘yon… so the lady producer was right all along?
(By Ronnie Carrasco III)