Teleserye ni Claudine Barretto sa Singko, iiklian na; cast na sakit sa ulo ng direktor, ‘papatayin’ na rin

Teleserye ni Claudine Barretto sa Singko, iiklian na; cast na sakit sa ulo ng direktor, ‘papatayin’ na rinDid we hear it right, iiklian na ang “Bakit Manipis ang Ulap?” Teka, hindi ba’t nito lang February 15 nagsimulang umere ang teledramang ito ng Viva sa TV5?

Admittedly, we’re a habitual junkie of this soap for a lot of reasons.

Isa kasi kami sa mga na-excite sa pagbabalik ni Claudine Barretto sa primetime TV. Four years ding nasa baul ng pagkatengga ang thespic prowess ni Claudine Barretto, mabuti nga’t hindi siya kinalawang o inagiw.

Big fan din kami ng yumaong si Danny Zialcita if only for his crisp, spontaneous lines na nakalalapit sa TV version ng kanyang 1985 opus.

Pero what’s this we heard na isang cast member ng BMAU ang sakit ng ulo ni Direk Joel Lamangan, hence mapipilitan ang produksiyon na “patayin” ang karakter nito to spare him the imminent danger na ika-stroke niyang muli.

Silently, hinuhulaan tuloy namin kung sino ang titigbaking character. Obviously, hindi ‘yon si Ricardo Villafuerte (Cesar Montano) dahil patay na siya sa kuwento.

Si Marla (Claudine) kaya, dahil binaril siya ni Alona (Roxanne Barcelo) at duguan siyang bumagsak sa mismong puntod ng yumaong asawa?

Pero teka, it can’t be Claudine dahil may natsutsugi bang bida lalo’t kay Marla umiikot ang kuwento? Hay, the viewers of BMAU—which airs every Monday, Tuesday and Thursday (9:15 pm)—can only keep guessing.

SECOND OF three.

Ang presidential debate na masasaksihan ng bayan sa makalawa ay ikalawa sa tatlong paghaharap-harap ng limang kandidato sa pampanguluhan. This time to be held live from the Queen City of the South, kapana-panabik kung paano naman ipiprisinta ng News 5 ang bersiyon nito ng debate.

One thing’s for sure, expect worldwide trending of this exercise na ang bumabangka ay pinamumunuan ng hepe ng news department ng TV5 na si Luchi Cruz-Valdez kasama sina Erwin Tulfo at Lourd de Veyra.

Bahagi ito ng comprehensive election coverage ng Singko na tinawag nilang Bilang Pilipino (the word “bilang” can be taken to mean “as” or “count”, or both).

Issues or concerns endemic to the Visayas region ang partikular na sasagutin sa face-off nina VP Jojo Binay, Davao City Mayor Rody Duterte, dating DILG Secretary Mar Roxas, Senator Grace Poe at Senator Miriam Santiago.

Sana lang ay aware ang limang kandidatong ito sa naging feedback during their first debate in Cagayan de Oro so as not to reenact the same stunts tulad ng pagiging patronizing ni Duterte toward Santiago, o pagbibida sa kanyang pagwawakas sa kriminalidad at droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan; ng mga inconsistencies sa mga pahayag ni Binay on his family’s wealth; ng nakaririndi nang daang matuwid battlecry ni Roxas; ng lalampa-lampang itsura ni Santiago indicative of her health condition; at ng pa-underdog effect ni Poe.

KUWENTONG PAMBU-BULLY ang hatid ng episode this Sunday ng Ismol Family.

Na-bully si Bernie ng isang bata na tinatawag siyang “Baklang bato”! To the rescue naman si PJ na itinulak ang kapwa bata, kaso he gets punished by Jingo.

Umeeksena naman si Lora sa pagkakalat ng kuwento kay Mama A na inuumbag daw ni Jingo si PJ. Sa galit ng matron, si Jingo ang kanyang pinagdiskitahan at sinisingil na uli sa utang nito.

Si Nathan naman ay binully nina Lora, Bobong, Lance, at Dello. Ginawa siyang boy o utusan sa bahay ni Jingo. Ang totoo, may balak pala itong magprisintang escort ni Yumi sa nalalapit na prom night nila sa school.

All this and more in Ismol Family on GMA.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleWala nang madaanan!
Next articleAlden Richards, si Maine Mendoza raw ang pinakaespesyal na babae sa kanyang buhay

No posts to display