PARANG kailan lang nang mag-umpisa sa afternoon block ng GMA ang ‘Inagaw na Bituin‘ na pinagbibidahan ng Kapuso Breakthrough Actress of 2018 na si Kyline Alcantara. Mataas ang expectations ng mga tao sa nasabing palabas dahil last year ay na-outshine ni Kyline ang mga kasamahan niya sa ‘Kambal, Karibal‘ na sina Bianca Umali at Pauline Mendoza.
Sa programa rin ipinakilala ang award-winning teen movie actress na si Therese Malvar as a main kontrabida. Dito rin pinagsama-sama ang mga once upon a time na ‘Reyna’ ng GMA-7 na sina Sunshine Dizon, Angelu de Leon at Angelika dela Cruz, na namayagpag sa Kapuso network bago pa nagkaroon ng Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Marian Rivera o Maine Mendoza ang network.
Ang main storyline ng ‘Inagaw na Bituin’ ay hindi na iniba. Surely, ang acting showdown ng mga female casts nito ang inaabangan. Sa totoo lang, medyo overpowering ang tarayan ng older casts ng programa na maka-Ika-6 na Utos na ang leveling (well, puro galing din naman sa programa na ‘yun ang pasok dito!). Ang nangyayari tuloy ay mas sa kanila nagpo-focus ang istorya imbes na sa pinopromote na magkaribal dito na sina Kyline Alcantara at Therese Malvar.
Three hours before we started writing this article ay may tsikang tatapusin na ang programang ito. May mga nagsasabi kasi na napakabilis naman ng pagri-reveal na ampon lang si Elsa (Kyline Alcantara) at mukhang malalaman na sa pamamagitan ng DNA testing na si Elsa si Anna, ang nawawalang anak ni Belinda (Sunshine Dizon).
Well, baka naman may ibang naiisip na strategy ang writers ng soap opera na ito kaya agad na ibinunyag ang katotohanan sa katauhan ni Elsa. Puwede rin na maybe dito na nga makikita kung sino nga ba kina Elsa at Ariella (Therese Malvar) ang tunay na magiging superstar. Pero paano ang kinilalang kapatid ni Elsa na si Melody (played by Melbelline Caluag) na mas magaling na singer sa dalawang pinupush na bida?
Kung totoo nga na hanggang 10 weeks lang ang programa, it reminds us of the sad fate of the promising show ‘Pamilya Roces’ na kahit na star-studded at matino ang kuwento ay na-cut short dahil sa mababang ratings. May nagsasabi rin na magaling naman ang cast members nito, pero awkward panoorin sina Kyline at Therese as rivals lalo pa’t mas strong ang personality ni Kyline over Therese.
Parehong nasa Pamilya Roces at Inagaw na Bituin si Manolo Pedrosa, na hanggang ngayon ay nangangailangan pa rin ng matinding workshop.