MAGTATAPOS NA ngayong Biyernes, March 26 ang afternoon prime series ng GMA-7 na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit‘. Ito ay pinagbibidahan nina Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara.
Isa ang serye sa mga programang naapektuhan nang magkaroon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa noong nakaraang taon. Matatandaan na wala pang isang buwan sa ere ang programa nang pahintuin lahat ng TV productions sa bansa.
Ang ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ ay hango sa pelikula noong 1989 na pinagbidahan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Highly-anticipated ang proyekto noon dahil tatlong henerasyon ng magagaling na aktres ang bida. Kasama rin dito ang equally good actors na sina Zoren Legaspi, Isabel Rivas, Ina Feleo at marami pang iba.
Makukulong kaya si Martina (Isabel Rivas) dahil sa mga kasalanan niya noon kay Cedes (Nora Aunor)? Magkakaroon na ba ng happily ever after ang naudlot na pagmamahalan nina Nolie (Mylene Dizon) at Ansel (Zoren Legaspi)? Ano ang mangyayari sa relasyon nina Maggie (Kyline Alcantara) at Jun (Yasser Mata)? ‘Yan at marami pang katanungan ang masasagot sa pagtatapos ng high-rating teleserye na ito.
Ang dapat ay ang Ken Chan-Rita Daniela series na ‘Ang Dalawang Ikaw’ ang papalit sa timeslot ng programa, pero balita namin ay ang Maricel Soriano – Dingdong Dantes – Lovi Poe 2014 series na ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ muna ang ipapalabas sa March 29. Bakit kaya?