ISANG songwriter-singer at dancer si Tera na ini-launch at ipinakilala sa press kamakailan ng Merlion Events Production Inc. at Tyronne Escalante Artist Management (TEAM).
Inawit at sinayaw ni Tera (Earth sa Latin) kasaliw ng music video ang kanyang latest single na Higher Dosage na isang alternative pop single na ang “dark” themes dahil tungkol ito sa alcohol, illegal substances/drugs. Pero nasa lyrics din ng kanta kung paano hinaharap ng tao ang ganitong problema.
Alam ni Tera na “kaiba” ang musika niya sa kinasanayan ng pop fans, pero, aniya, ito ang dahilan kung bakit kailangan ang kanyang musika at awit.
“Marami nang love songs — finding it, losing it. Kaya ang inaalok ko ay real, deeper emotions, life events, at humanity,” aniya.
Para sa music video ng nasabing single ay grabe ang naging preparasyon ni Tera.
Sina Douglas Nierras, Chrisy Sawada, at Froi Dabalus ang gumawa ng choreography. Nag-piano training din siy sa Yupangco Music Academy. Voice Masterclass ni Monet Silvestre sa The Madz Studio at sa pag-coach ni Alfred Samonte.
Kasama din sa album ng Higher Dosage ang dalawa pa niyang singles na Facade at Sa Dilim.
During the launching ay nakipag-duet din si Tera sa Kapamilya singer-actor na si JM de Guzman.
Lumaki si Tera sa panonood ng live concert CDs nina Michael Jackson at Beyoncé, na parehong humubog sa kanya bilang performer.
“Mula pagkabata, nagpi-perform na ako sa mga tao, at never akong napagod ibahagi ang aking talento. Umaasa ako na hindi magtatagal, makaka- relate din ang tao sa aking mga likhang awitin at magugustuhan nila ang aking performances,” pahayag pa niya.