Last term na pala ng komedyanteng si Teri Onor (stand-up comedian at impersonator ni Nora Aunor) bilang Board Member ng lalawigan ng Bataan.
Ikatlong termeno na niya ang pagiging bokal ng lalawigan.
Bale kung susumahin ang political career ni Teri na nagsimula as vice mayor ng bayan ng Abucay, masasabing pinanday na rin siya ng trabaho niya bilang isang public servant sa kanyang constituents sa Bataan.
Dahil nagsimula sa showbiz, hahanap-hanapin talaga ni Teri ang dating ginagawa, ang showbiz.
Dahil sa huling termino na niya sa political work niya at sa pagiging public servant, nagpaparamdam muli ang komedyante sa fans niya na nagbabalik siya sa showbiz.
Sa muling pagiging aktobo niya (magpu-fulltime siya pagkatapos ng term niya), mapanonood siya sa isang comedy show na pinauso nina Allan K at Leonard Obal, ang longest running show sa entertainment bars, ang “Si Nura at si Velma”.
“Actually, si Kuya Allan ang nag-suggest sa akin na gawin ko ‘yong show nila ni Kuya Leonard,” kuwento ni Teri na naging guest sa launching show naman ng baguhan na si Kiel Alo na bagong talent ng kaibigang Jobert Sucaldito.
Sa darating na Wednesday, August 31, ang huling hirit (hopefully) ng revival ng “Si Nura at si Velma” na mapanonood sa The Library na mula sa direksyon ng kaibigang Andrew del Real na makailangang ulit na ring nagkaroon ng re-run na sina Teri (playing Nura) at si Onse (DJ sa MOR playing Velma) na ang mga bida.
“Nakatutuwa pong isipin na matagal na nga akong nawala sa eksena, marami pa rin ang nanonood sa amin,” sabi ni Teri.
Dati, napanonood si Teri sa “Eat… Bulaga!”. Now, I just don’t know kung kasama pa rin siya sa cast, pero ang alam ko ay semi-regular siya sa Sunday noontime show ng GMA na PinaSaya, together with Ai Ai delas Alas, Marian Rivera, Wally Bayola, and the rest of the gang.
Reyted K
By RK VillaCorta