MERON BANG lalaking ipinagmamalaking dyowa sila ng bading? Meron siguro, hanggang pag-amin na nagkaroon sila ng experience o karelasyon, pero me karugtong ‘yon na, “Noon ‘yon.” O kaya ay, “Napilitan lang naman ako kasi kailangan ko ng pera, eh!’
O kaya naman ay “Lasing lang kasi ako no’n, eh!” o kaya ay “Tulog kasi ako no’n, eh!” at ang the height ay, “Babagsak kasi ako kung hindi ako papayag sa gusto ni prof eh.”
Hindi ko naman nilalahat, pero karamihan sa lalaki, hindi direkta ang pag-amin nila sa kanilang karanasan o adventure sa bading. Mas madalas na ang nangyayari ay ang bading ang nag-take advantage sa kanila o ‘di kaya naman ay dahil nangangailangan sila.
Bihirang-bihira na kaya sila bumibigay sa bading ay dahil gusto nila o trip nila o kaya naman ay nababaitan sila sa bading.
SA KASO nina Vice Ganda at Terrence Romeo, kung si Terrence man ang tinutukoy ni Vice na “TR” sa kanyang tweet na something like, “I’ve TRied, but I’m TiRed. Time to Rest,” puwede mo ngang i-confirm sa sarili mong siya nga ang tinutukoy ni Vice.
Kaya hayan at nag-react naman si Terrence. Nakapagsalita ito ng gusto na niyang makalimutan ang “multo” (ang nakaraan niya kay Vice), kaya ito ay napikon at nag-tweet na tahasan niyang sinasabi na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Vice at nanakot pang ide-deactivate niya ang kanyang twitter at fb kapag siya’y napikon nang bongga.
Ganito lang ‘yan, Terrence. Kung hindi totoo, hindi kailangang gano’n ang reaksiyon. Tinatawanan lang ‘yan o sinasakyan kasi nga, hindi totoo. Pero ‘pag nagpakita ka ng pagkapikon, hashtag alam nang nagkaroon nga kayo ng ugnayan ni Vice.
Saka ‘pag ganyang lagi kang pikon, parang gusto mong iparamdam sa publiko kung gaano ka kaguwapo at kahaba ang bird mo at kailangan talagang linawin ang mga bagay-bagay na sa umpisa pa lang naman, Terrence, kahit nu’ng nag-aaral ka pa sa FEU, eh alam mo naman talaga ang totoo sa inyo ni Vice, hindi ba?
Mag-e-echosan pa ba tayo?
Oh My G!
by Ogie Diaz