KAHIT ILANG BAGYO na ang dumaan sa buhay pag-ibig ni Techie Agbayani, pinilit pa rin niyang tapusin ang kursong Psychology (doctorate degree). Ngayon, bukod sa pagiging teacher in Psychology, isinisingit pa rin niya ang pag-aartista.
“I love to act and it’s my passion. I’m happy with my career as an actress, hindi ako nawawalan ng project sa ABS-CBN. Nasa cast ako ng Habang May Buhay ni Juday. May movie akong ginagawa under Star Cinema with Anne Curtis at Sam Milby. Mother ako rito ni Anne na may pagka-kikay. At first, medyo naguluhan nga ako dahil tumawag sa akin ‘yung production designer at ang ipinapadala sa aking outfit ay ‘yung pang bagets na short as in maikli talaga at tube blouse. Sabi ko, ‘baka kay Anne ‘yang outfit requirement at hindi sa akin.’ Sabi sa akin, ‘sa inyo po kasi kailangang palagi kayong magkapareho ng suot ni Anne everytime na magka-eksena kayong dalawa.’ I just couldn’t imagine myself wearing those… medyo mataba pa naman ako ngayon. Ha-ha-ha! Para akong nagmumurang kamias sa suot ko, but I enjoy doing it with my co-stars,” say ni Techa na pretty pa rin as ever.
As a teacher, hindi kaya nadi-distract ang mga estudyante ni Techie dahil artista siya? “Third year and fourth year students ang mga tinuturuan ko. Seventeen to eighteen years old ang mga ‘yan, kaya ang itinuturo ko, major psychology subjects. Boys and girls, but ang course like psychology, prominent women ang estudyante ko. I’ll try to stay decent. Ha-ha-ha! I’ll try not to be so provocative like what I do in showbiz. Biro lang ‘yun! You know, with my student kasi, when I approach them, I’m so natural. I joke with them. Sometimes, nagagalit din ako sa kanila. Sinisermunan ko rin sila sa e-mail, ganyan. Pero sa classroom, sana’y na sila sa kalokohan ko. Minsan, papasok akong naka-Indian motif. Sabi ng mga co-teachers ko, ‘Ay! Ang taray ng outfit!’ Sabi ko, ‘para ang mga estudyante nakikinig at naka-focus sa akin,’” pagmamalaking kuwento niya sa amin.
Sa gandang taglay ni Techie, na-experience na kaya niyang pinapantasya siya ng kanyang estudyante? “Siguro once. I treat them pantay-pantay at saka teacher ka naman, iba na ‘yung level mo. Hindi mo na pinapatulan ang bagets-chinang ganyan, graduate na ako d’yan!”
Last April 2009, anniversary issue ng Playboy Philippines, inilabas uli ang controversial photos pictorial ni Techa, published in the July 1982 edition of Playboy Germany. Ayon sa actress, gusto uli siyang i-pictorial sa nasabing magazine.
“I don’t wanna repeat myself na, ‘di ba? Tapos na ‘yun, nagawa ko na ‘yun. Iba naman, wala nang challenge sa akin ‘yun. Sabi ko nga, tulungan ko na lang kayo… stylist. Turuan ko ‘yung mga model ninyong mag-pose. Kasi, when I show men magazines, tinitignan ko ‘yung mga babae, puwede ko pang pagandahin ‘yung mga babaeng gusto ko. Kung minsan kasi, may mga posing na asiwa, gusto kong pakialaman pero hindi na puwede, nandu’n na ‘yun. Mas marami sila ngayon na mas daring at walang pakialam. Mga bata sila, maluluma ang ginawa ko noon,” pahayag ng international model/actress.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield