TF NG MGA ARTISTA NG “ANG LARAWAN”, PRESYONG KAIBIGAN

Ang Larawan actors Noel Trinidad, Celeste Legaspi, Nanette Invesntor, Robert Arevalo, Jaime Fabregas, Dulce and Bernardo Bernardo

SA ADVANCED screening-press preview ng nag-iisang musical film sa darating na MMFF 2017 na “Ang Larawan”, lahat ng mga artista na kabilang sa napakagandang obra ni Direk Loy Arcenas ay “for the love of art” ‘ika nga ang rate ng  mga talent fees ng mga artista.

Ayon kay Girlie Rodis, manager nina Rachel Alejandro at marami pa na mga world class talents na mga Pinoy,  pinakiusapan nila (kasama ang ibang mga co-producers niya) ang magiging ng mga artista ng pelikula dahil super limited ang budget ng produksyon.

 Kung susumahin ang mga TF nila, iisipin no na super low-budget ang cost of production pero ang kabuunan ng pelikula, iisipin na na multi-milyon ang obra.

Sa production design pa lang, iisipin mo na isang malaking period film ang musikal.

Ryan Cayabyab and Rayver Cruz

Pagsamahin mo ba naman sina Rachel Aljenadro, Joanna Ampil, Dulce, Zsa Zsa Padilla, Nanette Inventor, Ogie Alcasid,Jaime Fabregas, Bernardo Bernardo, Rayver Cruz , Celester Legaspi and Paulo Avelino, hindi mo iisipin na “super budgeted” ang pelikula.

Kung susundin lang ang TF ni Paulo who plays the role of Tony Javier kapag gumagawa siya ng pelikula, malamang sa regular TF pa lang ni Paulo ay hindi na keri ng produksyon.

For the love of Ang Larawan lahat ng dahilan.

Kaya ayon kay Pau, isa lang daw ang hiningi niya in exchange of his regular TF to portray as Tony: “Yong painting sa Ang Larawan, yon lang ang TF ko,” sabi ng aktor.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleWALANG NETWORK WAR: Vic Sotto, hindi itinuturing na kalaban si Vice Ganda
Next articleHINDI LANG ARTISTA AT MAYOR: Richard Gomez, isa din visual artist

No posts to display