MATAPOS TAYONG PAKILIGIN ng F4 at ni Shan Cai sa Meteor Garden; ng love triangle nina Gu Jun Pyo, Geum Jan Di at Yoon Ji Hoo sa Boys Over Flowers at nina Carlo, Vivian at Martin sa Lovers in Paris; at ng Korean idol groups na Super Junior at 2NE1 ay isa na namang Asian invasion ang tiyak na magpapakilig sa mga Pinoy fans sa katauhan ng Thai superstar na si Mario Maurer.
Pinukaw ni Mario ang interes ng sambayanang Pilipino when the Tagalized version of his romantic-comedy movie Crazy Little Thing Called Love opposite Pimchanok Luevisadpaibul was shown on ABS-CBN last June. Nagkaroon pa ito ng replay two weeks after it was first shown on the Kapamilya Network.
Sino nga ba itong si Mario at bakit ganoon na lang siya ka-hot sa mga kababaihan? He was born in Thailand on December 4, 1988. Chinese ang kanyang ina at German naman ang kanyang ama. He became a model when he was 16 years old. Nakagawa siya ng mga pelikula tulad ng Friendship, 4 Romance, at The Love of Siam kung saan siya nakatanggap ng Best Actor Award mula sa 10th Cinemanila International Film Festival. But he sealed his celebrity status with the movie Crazy Little Thing Called Love. Marami ang pinakilig ng pelikula kabi-lang na rito ang mga Pinoy na mahilig sa mga romantic stories.
After ipalabas ang pelikula sa ABS-CBN ay dumagsa ang sangkaterbang requests from fans na sana raw ay makadalaw o makagawa ng project sa Pilipinas ang teen heartthrob. Nagpaunlak si Mario ng isang exclusive interview for ABS-CBN during his endorsement pictorial and meeting with some Star Cinema executives. Is he willing to make a movie in the Philippines? “I think doing [a] movie outside Thailand is [a] very good opportunity because I never expected [that] I’m going to be famous in [the] Philippines, China, or Taiwan.”
Sinabi ni Mario na handa raw siyang gumawa ng isang romantic movie dito sa bansa kasama ang isang Filipina actress. Kung sakaling matuloy ang project ay sino kaya sa ating mga female teen stars ang maswerteng makakapareha niya?
Walang dudang guwapo si Mario at tiyak na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Isang tip para sa kanyang mga fans, ang tipo raw niyang babae ay sweet. “I like a happy and funny girl. I like girls who dress up very nicely.”
For those who can’t get enough of Mario, humanda na kayo dahil bukod sa isang endorsement para sa isang Pinoy clothing brand ay kasalukuyang inaayos na rin daw ang paggawa niya ng pelikula under Star Cinema. Sabi nga ni Mario ay malaki ang chance na bumisita siya ng Pilipinas.
Naku, tiyak na marami na namang lalagnatin na mga Pinoy fans kapag dumating dito sa bansa si Mario. Siya na kaya ang maging daan upang magkaroon naman ng Thai fever sa Pilipinas?
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda