NATAWA AKO sa tanong ng isang blogger kung si Mon Confiado daw ba ang ama ng anak ni Ynez Veneracion. Sagot ni Mon sa tanong, hindi. Close lang sila ng bata.
Palagi kasi nakikita ang aktor ang anak ng dati niya girlfriend.
Kung maalala nyo pa, sina Mon at Ynez ay matagal din naging magkarelasyon noon sa on and off romance nilang dalawa years ago.
Fast forward, madami dapat ipasalamat ang aktor sa mga magagandang bagay na dumarating sa kanya.
Simula na gampanan niya ang role as Emilio Aguinaldo sa historical film na Heneral Luna na bida si John Arcilla and at the same character in Goyo na bida si Paulo Avelino, sunod-sunod na ang trabaho ni Mon mapa-pelikula man o telebisyon.
Kaya nga natuwa siya nang kunin ang serbisyo niya ng aksyon serye ni Coco Martin for the role of Mr. Cheng Lao na member ng Hongkong Triad sa FPJ’s Ang Probinsyano kasama si Angelica Panganiban kung saan three days sila nag taping sa Hong Kong.
Sa darating na Christmas, mas happy ang aktor dahil kasama siya sa pelikulang pinaguusapan na Miracle in Cell No. 7 na bida si Aga Muhlach.
Mon plays the role of Choy na isa sa mga preso na kasama ni Aga together with Joel Torre, JC Santos, Jojit Lorenzo and Soliman Cruz bukod kay Xia Vigor who plays Aga’s daughter na nang lumaki ay naging si Bela Padilla who became a lawyer na ipagtatangol ang ama ng si Aga na mentally challenged na nakulong dahil diumano sa panghahalay at pagpatay sa isang bata na anak ni Tirso Cruz III.
“Maganda ang experience ko sa movie. We were treated well,” kuwento ni Mon nang makausap namin siya sa media conference ng movie.
Bukod sa mga nabanggit na mga projects, madami din na mga indie films nagawa si Mon na kahit papaano ay napapansin ang galing niya sa pag-arte reason para makasama siya sa mga pelikulang pinaguusapan and career-wise ay nagpapa-level-up sa estado niya sa showbiz.