TAPOS NA ang Valentine’s Day, pero biglang tumodo ang sweetness at kilig sa timeline namin nang makita ang update ni Bea Alonzo ng kanyang version ng pagbati sa birthday ng boyfriend na si Gerald Anderson, who turned 30 years old last March 7.
Sambit ng aktres sa kanyang caption na may kalakip na larawan nila ni Gerald na kumakanta sa isang videoke place:
“This photo was taken back in 2010. Back when I fell in love with you for the first time. Amazing how time just flies.
“Can’t help but get a little sentimental especially because you’re spending your 30th bday in another continent in a different picture. You are a wonderful man.
“Happy birthday babe.
“You are my great love story. @andersongeraldjr“
Kung inyong matatandaan, nagkamabutihan for the first time sina Bea at Gerald noong 2010 at sa katunayan, naging controversial ang kanilang pag-alis nang sabay sa Star Magic Ball na ikinagalit ng solid KimErald fans. Hindi pa kasi matanggap ng fans nina Gerald at Kim na hiwalay na talaga sila.
For the mean time, nalink si Gerald kay Maja Salvador habang naging steady si Bea at Zanjoe Marudo nang matagal-tagal din.
Nagkabalikan ang BeaRald nang gawin nila ang pelikulang ‘How to be Yours’.
Kasalukuyang nagbabakasyon si Gerald sa United States. Si Bea Alonzo naman ay nasa bansa at busy sa pagpo-promote ng kanyang upcoming movie with Charo Santos-Concio, Maxene Magalona at Jake Cuenca na ‘Eerie’, na ipapalabas na sa darating March 27. For the first time ay kasabay ang premiere date nito sa Pilipinas at sa ibang Asian countries.