‘The Bash’ online show ni Jobert Sucaldito higit pa sa latest showbiz news and issues ang laman

Leo Bukas

Ang ating bansa pati na rin ang buong mundo ay dumadaan pa din hanggang ngayon sa isang matinding pagsubok dahil sa  COVID-19. Naapektuhan nito ang buhay ng tao pati na rin ang ekonomiya.

Bumagsak ang stock market at turismo, maraming mga kumpanya rin ang nagsara, nawalan ng trabaho at mga hindi natuloy na projects lalo na sa mundo ng showbiz.

The Bash with Jobert Sucaldito

Naging mahirap sa atin na itigil ang mga shows at events sa entertainment industry, mabuti na lang ay mayroong social media at malaganap ang naabot nito. Dito nagsimulang mabuo ang kosepto para sa isang online talkshow na tinawag na The Bash With Jobert Sucaldito. Nagsimula itong ipalabas noong  September 30, 2020, kung saan nakipagsabayan ito iba’t ibang online show. Ang kaibahan nga lang ng The Bash nakasentro ito sa mga pinakabago at pinaka-juicy na balita sa loob at labas ng Philippine showbiz.

Ang host ng The Bash ay si Jobert Sucaldito na isang showbiz news anchor at columnist kasama ang vlogger, social media influencer at Kumu artist na si Maine Nadaya. Ang The Bash ay isang oras na online showbiz magazine talkshow at ipinapalabas ito nang live sa Facebook at YouTube tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes simula 4 ng hapon.

Ang The Bash ay isa rin sa nanguna sa paggamit ng online platform upang makapagdala sa online viewers  ng maiinit na balita hindi lamang sa mundo ng showbiz kundi pati na rin sa kasalukuyang kaganapan sa bansa. Tulad na rin halimbawa ng isyu ng ‘child car seat law’ na nilinaw ng Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Ms. Goddes Hope Libiran sa programa.

Maging mga isyu tungkol sa face-to-face classes, vaccine, curfew at ang paglulunsad ng Bayanihan Act ay tinalakay din dito.

At siyempre, ang naging maugong na eklusibong phone-patch interview kay Lindsay de Vera hinggil sa isyu na binuntis umano ito ni Dingdong Dantes na pinick-up rin ng iba pang mga showbiz online portals sa programa. Gayundin, ang iba pang maiinit na isyu tungkol kina Ai-Ai delas Alas, Aiko Melendez, Phoemela Baranda, Mocha Uson, Sean de Guzman, Mark Herras, Jeric Raval, Dingdong Avanzado at marami pang iba na nag-guest na programa. Hindi rin magpapahuli ang The Bash sa kanilang inaabangang mga blind items, huh!

Kaya para sa pinakabagong chikaBASH, ugaliing panoorin ang The BASH at huwag kalimutang i-LIKE, FOLLOW and SUBSCRIBE ang kanilang official Facebook Page, Instagram at YouTube Channel!

FACEBOOK PAGE: https://www.facebook.com/TheBash2020/

INSTGRAM:

https://www.instagram.com/thebash_2020/

YOUTUBE CHANNEL:

https://www.youtube.com/channel/UCxc1d0_5p17ZVBaueXRj12g

Previous articleAppreciation post ni Pauleen Luna para sa kanyang parents pinusuan ng netizens
Next articleVice Ganda haharap sa malaking challenge sa GANDEMIC digital concert

No posts to display