BINATI AKO AGAD nang makita ako sa loob ng studio ng GMA-7 nitong castaway na si Buhawi “Buwi” Meneses. Sa personal kong paningin ay mabait ito. Alam ba ninyo na kasama siya sa grupo ng banda ng Parokya ni Edgar at ng Franco. Naks! Kasi naman, naging Fine Arts student siya sa University of the Philippines sa Diliman. Nag-iisa siyang anak na lalaki ni Danny Meneses na isang breast cancer activist dahilan sa related na sakit ng ina ni Buwi na si Rosa Meneses.
Naging malaking pagsubok sa kanya nang magkasakit ang kanyang ina ngunit hindi niya pinabayaan ito hanggang sa huling sandali. Dahil dito, naging inspirasyon niya ito upang ipagpatuloy niya ang paggawa ng mga awitin. Isa na rito ang pamosong kanta para sa mga bigotilyo na “Mr. Suave” ng bandang Parokya ni Edgar. Heavygats, ah! Ooh, oh, Mister Suave, ako si Mr. Suave, habulin ng babae.
Ang sweetheart ni Buwi ay si Foebe na napapanood natin kasama ni Fayatola sa Tigbak Authority noon ng Startalk. Biniyayaan sila ng dalawang supling na may mga pangalang si Zephyr at Zayd. Kamakailan naman, naging malaking break niya ang makasama sa celebrity edition ng Survivor Philippines, ba-gamat naging ika-apat siyang na vote-out.
Okey, simulan na nating kulitin si Buhawi. Itinanong ko kung parte pa ng laro ng Survivor iyong sinunog ‘yung damit nila noon. “Oo, kabado kami noong una kasi ang epekto ‘nun para kang hostage. Ah, kasi from the top ganito… ganyan. At saka puzzled kami kung anong igagalaw namin kasi baka ma-disqualified kami.”
Meron ba naman silang rules or something? “Wala, parang ganun, kasi nga bawal mag-usap kasi ‘pag nag-usap kayo bawal nga.”
Paano n’yo nalalaman? Minsan ba limot ninyong may camera? “Ah, siyempre ‘yung mga nakaraan siyempre sunod sila. Kami kasi makukulit, mga pa-saway na.”
Minsan maaari ‘di maaalis iyong mga personal nilang inis. Kung naaapektuhan sila, limot kaya nilang may camera? “Ah, merong hindi mo alam, meron pala. Ah, halimbawa nakakabit ‘yung microphone tapos me usapan kayo, bigla kayong kukunan. Halimbawa may lumapit na camera, bawal nang umalis.”
Anong klase ang mga lamok do’n, malalaki ba o maliliit? “Ah, ‘yung mga kinakagat ng mga lamok ‘dun eh, mga kalabaw. So kahit anong ilagay mo, masakit pa ring mangagat. Nanganganak pa sa loob mga niknik. Doon masahol pa kami sa homeless. Iyong dito sa atin ‘di ba ‘yung squatters dito nakakagalaw pa nang malaya kasi may bubong.”
Ah, ‘yung sa Survivor, may talent fee ba sila per day?
“Hindi… pag-uusapan lang na may TF, ‘pag nag-quit ka, wala kang makukuha. Kung hanggang anong araw ka sa isla, iyon ang makukuha mo. Pagbalik mo sa Maynila galing island, pa-process pa.”
Ay oo naman, kasi kung walang gig si Buwi while off sa island, paano na ang para sa pamilya niya. “Yun nga ang sabi ko, paano ‘ko? Iyong pamilya ko? Kung nandito ako may kita ako.”
Sa bagay, tiyaga lamang at charisma ang kailangan upang makita natin ang ating pangarap sa buhay. At nagbunga naman ito kay Buwi dahil mapapanood siya ngayon sa isang documentary show sa GMA News TV na ‘Reel Time’. Malay natin, sa bagong offer na ito ay mabubuksan ang bagong pinto ng pangarap ng isang Buhawi na naging awardee pa bilang “Bassist of the Year” ng NU Rock Awards 1999. Gud luck, Buwi!
Ito ang larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838, e-mail: [email protected], [email protected], or visit www.pinoyparazzi.net
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia