MAITUTURING na ‘dark horse’ ng 2019 Metro Manila Film Festival ang pelikulang ‘Write About Love’ ni Crisanto B. Aquino na produced ng TBA Studios. Maliban sa hindi naman talaga mga staples ng mainstream films ang mga bida ay ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na magkakatrabaho ang apat. In short, walang basehan kung makaka-attract ba sila ng interest among the moviegoers.
Bago sa panlasa ang tambalang Rocco Nacino at Miles Ocampo. Maliban sa kanilang age gap, galing din sila sa magkaibang istasyon. Sina Joem Bascon at Yeng Constantino ay parehong galing sa ABS-CBN pero hindi pa sila nagkakasama sa isang acting project kahit sa telebisyon man lang.
Buti na lang at swak sa apat ang kani-kanilang roles sa ‘Write About Love’. Kahit pa sabihin na mas light ang konsepto ng pelikula kung ikukumpara mo sa ibang kalahok, no wonder nan a-capture nila ang interes ng jurors lalo pa’t ipinapakita rito ang proseso ng pagsusulat ng isang pelikula – na bihira natin napapanood sa big screen. Kahit nga sa Hollywood ay hindi ito masyado naipapakita kahit na napakalaki nang naiaambag ng isang scriptwriter sa paggawa ng pelikula.
Walo ang naiuwing parangal ng ‘Write About Love’ including Best Screenplay, 2nd Best Picture, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, Best Musical Song, Best Original Song, Best Editor and Special Jury Prize for Full-Length Feature.
Deserve nina Joem Bascon at Yeng Constantino ang kanilang pagkapanalo sa Best Supporting Actor at Best Supporting Actress. Nakakatawa lang isipin na sa Awards Night ay nakainom na ‘ata si Joem at hindi siya sigurado kung siya ba’y nanalo para sa kanyang performance ba sa ‘Write About Love’ bilang Marco o bilang Kanor sa ‘Culion’. Outstanding ang kanyang performance sa parehong pelikula.
Si Yeng Constantino ay mas kilala bilang Pop Rock Princess of OPM, pero swak na swak ang kanyang pagkaganap sa ‘Write About Love’. Malaki ang improvement nito mula sa kanyang performance sa indie films na ‘Shift’ na ipinalabas sa 2013 Cinema One Originals at ‘The Eternity Between Seconds’ na nanalo rin ng maraming awards sa 2018 CineFilipino Film Festival.
Hindi rin kataka-taka na na-nominate si Rocco Nacino as Best Actor sa kanyang pagganap bilang isang indie filmmaker na ginagabayan ang mas batang writer. Kita mo ang sinseridad at ang itinatagong lungkot sa kanyang mga mata. No wonder na nakahanay niya sina Aga Muhlach at Allen Dizon sa Best Actor category.
After so many years ay nabigyan na rin ng lead role ang former child actress na si Miles Ocampo bilang isang bagong manunulat na kinailangan pang humugot mula sa kaila-ilaliman ng kanyang puso para mas mapaganda pa ang obrang kanyang sinusulat. Pinakapaborito kong eksena sa pelikula ay ang confrontation scene nila ni Romnic Sarmienta na gumanap bilang ama niya. Marami ang makakarelate sa eksenang ito.
Kahit sabihin pa na first-time director si Crisanto B. Aquino, may puso ang kanyang pelikula at hindi rin pinabayaan ang aspetong teknikal. Nag-aabang na kami sa mga susunod niyang proyekto!
Dahil sa kanilang pagkapanalo ay nadadagdagan na ang mga sinehan ng ‘Write About Love’. Kung kayo ay isang aspiring movie or TV writer, this is a must-watch!