[imagebrowser id=43]
NOONG NAKARAANG Linggo, June 9, 2012 naganap ang laban ng world idol at superstar sa buong daigdig pagdating sa larangan ng boxing na si Manny Pacquiao at ng kanyang challenger na si Timothy Bradley. Inabangan ito ng mapa-simpleng mamamayan at maging ng mga kilalang personalidad sa iba’t ibang panig ng mundo, ngunit tila ay hindi kumbinsido ang maraming fans ni Pacquiao maging ang buong daigdig sa naging desisyon ng three blind mice, ani ng boxing promoter na si Bob Arum. Ngunit sa mga komento naman ng iba, na-mafia raw ang kontrobersiyal na labang ito.
Sa ngayon, wala na tayong magagawa muna at maghintay ng resulta nito kahit dinala na Nevada Commision ang mga reklamo ukol dito. Ang dapat na patunayan ni Manny ay ma-knockout si Bradley sa kanyang mga power punches sa susunod na laban kung matutuloy ang rematch at dapat din lamang harapin ni Bradley muli si Manny kung totoong siya ang tunay na kampeon ng titulong WBO (Weltherweight Division.)
Sa round 3 pa lang, halatang iniinda na ni Bradley ang mga suntok ni Manny, nakaramdam ito ng pagkahilo ito kaya nagawa na niyang lumayo-layo sa mga suntok ni Manny. Halatang natinag ang undefeated challenger na si Bradley, patunay ang pagiging alanganin niya. Subalit nagawa naman niya muling maging agresibo sa 9th round, pero kitang-kita ang pag-iwas niya sa mga suntok ng People’s Champ. Na’ndoon din ang bayuhin niya ng tiyan, at sapak-sapakin ang ulo at tagiliran ni Manny habang nakayapos dito na wari ay nagbabaka-sakaling humina ito. Ngunit ayon kay Manny nang tanungin niya ang referee kung tama ba iyon, ang sabi nito ay ‘bago lang daw iyon’.
Samantala, hindi man na-knock out ni Manny si Bradley sa rounds 3-8-9, ayon sa mga bilang ay tiyak na ang unanimous decision. Isa pa, hindi man naging agresibo si Manny sa mga huling round, marahil sa kumpiyansang kanya ang pagkapa-nalo. Sa twist ay hindi makatuwiran ang naging hatol na split decision sa 12 rounds.
During the press conference after the bout, si Bradley ay nakitang naka-wheelchair, marahil dahilan sa mga bugbog na dinulot ni Manny. Subalit ang dahilan niya, iniinda niya na dati ang kanyang mga paa bago pa raw ang naturang laban. Samantalang si Manny naman ay nagbitiw ng salitang “I believe I won the fight.” Marami tuloy ang nagkomentong imbes na weltherweight crown ang napanalunan ay “Wheel-chair Weight Champion” ang titulo ni Bradley.
Balikan natin ang sinabi ni Bradley: Isya-shock niya raw ang buong daigdig sa mangyayari. May kinalaman kaya ang desisyon ng 3 blind mice judges dito?
Ang karamihan ng tao sa MGM Grand Arena ay nag-boo at ipinakita ang kanilang pagkadismaya sa hindi kapani-paniwalang desisyon. Maging ilang mga Hollywood stars at mga nakalabang boksingero, Mehikano man o Amerikano gaya ni Oscar Dela Hoya at maging si Mayweather Sr. na ang anak na si Floyd Jr. ay inaabangan ding makalaban ni Manny ay nagpahayag ng pagkapanalo ng ating Pambansang Kamao.
Subalit, marahil ay pagkakataon din ito para kay Manny upang patunayang mali ang nagsasabing hindi na ganu’n kalakas at kabangis ang killer punches niya. Ang itinuturing ng ibang “The Vintage Pacman”. Or, kung hindi man, maaaring wakeup-call na rin upang siya ay tumigil at magretiro.
Sa tingin ko, ang kanyang paniniwala ay malaki ang maitutulong sa susunod niyang hakbangin. Ako man, naniniwalang kapag may rematch sa rounds 3 to 4, 5 bagsak na ang wheelchair weight champ kay Manny Pacquiao, ang tunay na kampeon.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.