MATAGAL-TAGAL na rin natin napapanood sa telebisyon ang magandang Kapuso actress na si Janine Gutierrez. Sa katunayan, nagbida na ito sa ilang teleserye tulad ng Villa Quintana with Elmo Magalona, Legally Blind with Mikael Daez at ang huli ay ang primetime series na Victor Magtanggol.
Isa si Janine Gutierrez sa leading ladies ng GMA-7 na alam mo na may potential to make it big, but for some reason, hindi nagmamarka ang mga ginagawa niyang teleserye kaya hindi namamaximize ang kanyang full potential.
Buti na lang at this time ay tila nagbubunga na ang pagtitiyaga ni Janine. Lumalaban sa ratings game ang GMA Afternoon Prime series niya na Dragon Lady na nung umpisa ay tinatawanan ng mga netizens.
First time kasi sa Philippine television na ang myth tungkol sa swerteng dala ng Dragon Statue sa mga Chinese businessmen ang ineexplore rito. Noong umpisa ay isang ‘taong dragon’ ang karakter ni Janine bilang si Celestina o Yna. Dahil sa pagpanaw ng kanyang mga magulang (Diana Zubiri at James Blanco) at paghihirap mula sa kamay ng pinakamatinding kaaway (played by convincing villainess Maricar de Mesa and Joyce Ching), naging determinado si Celestina na maghiganti sa dalawang ‘witches’ with the help of Goldwyn (Edgar Allan Guzman), na mas nakikitaan namin ng chemistry over her current publicized partner sa show na si Tom Rodriguez.
Yes, may mga campy fight scenes pa rin sa show na inspired pa rin sa Ika-6 na Utos, pero gusto namin ang atake ni Janine bilang Scarlet, na laging glamorous kapag nakikipag-showdown sa mag-inang Vera (Maricar de Mesa) at Astrid (Joyce Ching). Hindi rin ito ang typical na inaaping bida dahil lately, nakakakuha ng satisfaction ang televiewers sa classy pero matinik way ni Scarlet ng paghihiganti. May mga quotable quotes din sa programa na talaga naman patok sa mga manonood.
Wish lang namin ay magtuloy-tuloy ang daloy ng magandang kuwento ng programa. Ika nga, keep the fire burning! Mukhang suwerte nga sa show ang ‘Dragon’.