BONGGA. The long wait is over para sa isang magaling na aktor na tulad niya.
Yes, binigyan ng break ang stage actor-singer na si Pepe Herrera ng kanyang sariling pelikula na The Hopeful Romantic kung saan siya ang bida sa movie na produced ng Regal Films.
“Hindi ko inaasahan na darating ito,” panimula niya sa isang short chat namin kay Pepe during the grand mediacon ng pelikula niya na showing na sa darating na Wednesday, September 12 sa direksyon ni Direk Topel Lee.
Si Pepe, mas nakilala nang maging sidekick siya ni Coco Martin sa aksyonserye na FPJ’s Ang Probinsyano na naging household name ang pangalan nya to a much “masa” crowd dahil sa kanyang television exposure.
Sa entablado, sikat si Pepe. Bago pa man siya naging pamilyar sa mga manonood ng television serye ay kilala na siya mga manonood ng mga stage plays.
Mas kilala si Pepe bilang komedyante dahil sa mga punchlines niya sa aksyonserye ni Coco kung saan namaalam na siya.
Sa mga hindi nakakaalam, si Pepe ay graduate ng UST sa kursong Music, major in Voice noong taong 2011.
Kuweto niya sa mediacon ng pelikula nila ni Ritz Azul playing as his leading lady: “I did operas before crossing over to local theatre musicals like Pamana, Tribute to Ninoy and Cory; At Sa Wakas’ featuring the songs ng Sugar Free for PETA, and ‘Rak of Aegis’ na naga-alternate kami ni Jerald Napoles.
Then nakuha ako sa TV, first in ‘Forevermore’, tapos sa ‘Ang Probinsyano’ kung saan napasama ako for one year as Benny, sidekick in Coco Martin. Doon ako mas nakilala ng tao but I had to resign kasi I got sick with asthmatic lungs, “ pagkukuwento niya.
Sa showbiz (pelikula) ay nagsimula siya sa indie film na Sakaling Hindi Makarating kasama si Alessandra de Rossi in 2016 kung saan kung tama kami, siya ‘yong kapit-apartment ng aktres sa indie film na personally ay nagustuhan namin.
Sa unang pelikula niya with Alex ay nanalo siya ng Best Actor Award para sa Cine Filipino.
Sa Hopeful Romantic, he plays the role of Jess na isang valet parking attendant sa isang hotel kung saan sa edad niya sa kanyang karakter ay isa pa rin siyang “virgin”.
Sa pelikula, paniwala niya as a virgin: “At my age, virgin pa ako kasi I believe I should give myself dun lang sa true love na pakakasalan ko. Na-meet ko si Ritz na I lose my virginity to her and I’m afraid to lose her kaya nagpanggap akong mayaman para mahulog ang loob niya sa akin,” kuwento ng komedyante.
Aliw ang mga eksena ni Pepe. Laugh trip ang pelikula.
Sa full trailer na napanood namin, hindi ko mapigilan matawa sa mga solo scenes ni Pepe sa pelikula.
Reyted K
By RK Villacorta