GOOD NEWS sa lahat ng KathNiel lovers! Sa wakas ay mas mapapadali na ang panonood ng kanilang quarantine digital series na ‘The House of Arrest of Us‘. Simula ngayong araw ay mapapanood na ito sa leading streaming site na Netflix.
Ito ay isang kuwento ng isang engaged couple na napilitang manatili sa iisang bahay kasama ang kani-kanilang pamilya na hindi magkasundo. Ipinalabas ang unang episode nito noong October 24, 2020 sa pamamagitan ng KTX.PH at IWantTFC, pero aminin natin – mas convenient panoorin ito sa Netflix!
Kahit na obviously ang title ng pelikula ay inspired by the KathNiel hit movie ‘The Hows of US’, hindi related ang istorya ng dalawa.
Kasama rin sa riot digital series na ito sina Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Gardo Verzosa, Arlene Muhlach, Dennis Padilla at marami pang iba. It ay mula sa direksyon ni Richard Arellano at panulat ni Carmi Raymundo.
Matagal-tagal na rin natakam ang fans ng KathNiel sa content na silang dalawa ang bida. Kung gusto ninyong mag-marathon ng KathNiel movies, puwedeng-puwede niyo na ito gawin sa Netflix dahil lahat ng pinagbidahan nilang pelikula ay kasama na sa catalogue nito.
Panoorin ang trailer ng ‘The House Arrest of Us’.