The indie film maker Brillante Mendoza

BRILLANTE “DANTE” Mendoza, nag-aral sa University of Santo Tomas sa kursong Advertising at inamin niyang pumasok siya sa larangan ng filmma-king dahil malaki ang tulong sa kanya ng piniling larangan bilang director.

Kauna-unahang Pilipinong nagkamit ng Best Director plum sa 62nd Cannes International Film Festival. Masahista (The Masseur), Foster Child, Tirador, Serbis, Pantasya, Manoro,  Kaleldo at Kinatay, ang ‘di mabilang na mga awards ang siyang marahil ay ang nag-udyok sa akin upang makapanayam ang natatanging film director na ito bagama’t hindi ko siya personal na kilala. Bigyan natin ng daan ang director.

“Una kasi akong nagtrabaho sa production as production designer sa mainstream, kasi ‘dun ako nag-umpisa. I was able to work with Chito Roño, Celso Ad Castillo, kasi nakatrabaho ko na lahat sila. I was in production for 12 years at doon ang mga naging experiences ko sa mga ginagawa ko.”

‘Yung huli n’yong ginawang pelikula eh, parang tungkol sa masaker? “’Yun nga, ‘yung nakaraan ko, ‘yun nga ‘yung parang pinaka-recent kong ginawa. Bago ‘yung ‘Lola’, ‘eto ‘yung ‘Kinatay’. Ah. oo, kahit naman ‘yung ‘Serbis’ pinag-usapan ‘yun eh.”

Ah, pinag-aralan mo ba kung ah… ‘eto napapanood nang dati at hindi na bago. Pinag-aralan mo rin ba ‘yung sistema na ah ito iibahin ko, may ganu’n ba? “Hindi naman sa iibahin ko naman, siguro naging aware lang ako ‘dun sa aesthetics ko na parang gusto kong ipakita ‘yung makatotohanan na istorya. Hindi ‘yung mga story nila na nakasanayan na natin. So, du’n ako sa mas makatotohanang kuwento.”

So, kanino ka rin ba na-inspire sa mga dati nating mga director? “Siyempre naman, kapag sinabi nating mahuhusay na direktor ay nand’yan sina Lino Brocka, Ismael Bernal.”

Si Boots Plata na kamamatay lang? “Yes! Nakatrabaho ko lahat ng mga ‘yan, and as I’m working with them, I try to learn as much as I can sa kanilang mga style sa kanilang mga ginagawang mga pelikula.”

Bago ka naging Brillante, paano mo na-intrude ang ganitong sistema bilang director or ‘yung iba kahit hindi basta pag-aralan lang. What do you think, ano ang masasabi mo rito direktor? “Ah, si-guro bukod sa pagi-ging artistic ng mind mo eh, ‘yung passion mo sa ginagawa mo. Eh, kahit naman sa anong field dapat may passion ka talaga sa lahat ng ginagawa mo hindi lang sa pagdi-direk, sa pagiging lawyer, sa pagdo-doktor. Dapat  ang passion para mabuhos mo pa ang loob mo sa lahat ng ginagawa mo. And other than that, bukod sa passion eh ‘yung commitment mo sa ginagawa mo, hindi lang ‘yung dahilan mo na I want to do this. Kasi hindi lang sa ginagawa mo dahil sa gusto mo, kundi mayroon kang mas malaking purpose. Dapat mas mataas ‘yung goal mo. I’m here to let my audience understand my film. So ‘yun ang aking goal at ‘yun ang aking passion at napaka-simple kong tao.”

PAROKYA NI EDGAR HUMAKOT NG AWARDS  SA MYX

NAGKITA KAMI ni Buhawi sa MYX AWARDS  sa Music Museum. Malayo pa ako nang makita ako nito at tuwang-tuwa na niyakap ako’t binuhat. “Ito si Maestro, isinulat ako nito. Galing, galing! Ang ganda. Salamat, salamat Maestro.”

Wow! Para akong nanalo ng ilang beses sa lotto ‘pag ganyan ang pinakabayad ko, ang kilalanin ka ng mga isinusulat mo at ipinagmamalaking sinabi pa niya sa kanyang misis. Pero kuwidaw, humakot ng awards ang kanilang grupong ‘Parokya ni Edgar.’ Bro, Buhawi ka talaga. Congrats!

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleProud Cover girl
Next articleAma ng commercial model-turned-actress, ipinagkalat ang nasaksihang pag-kops ng anak sa dati nitong BF!

No posts to display