MAY KASABIHAN tayo na kung ano ang puno ay siyang bunga. Kasabihan ito ng karamihang mga Pinoy na mga nakatatanda sa atin. Nak’s! Bata pa ako kaya may nakatatanda pa sa ‘kin. Hehehe! Pero ang binabanggit ko ay ang anak ng isang artista. Bagay kanino pa magmamana, eh ‘di sa puno. Kung artista ang magulang, natural artista ang magiging anak. Bukod sa bloodline, siyempre ang kinamulatan nito bilang artista.
Alexia Maria Moynihan Fernandez Álvarez, mas kilala sa screen name na Lexi Fernandez. Sa edad na sweet 16, ipinakita niya ang angking galing sa pag-arte. Siya ay ang anak ng character actress na si Maritoni Fernandez at kasalukuyang may kontrata sa GMA Artist Center.
Tinanong ko kung naririnig na niya or nababasa ang Pinoy Parazzi. “Opo, naririnig ko na po.”
Oh… weeh! ‘Di nga?! Sige nga ano’ng mga nababasa o naririnig mo? Hehehe! Napangiti ito. Ano ang dahilan at ginusto mo ang showbiz? “Sa Mama ko po. Ah, lumaki na po akong sumasama sa set ng mama ko, two years old pa lang po ako. Lumaki talaga ako na may pagmamahal sa pag-aartista. Tuwing nakikita ko silang umaarte sa set, feeling ko ganu’n ako balang araw!”
Ayon, kita na ninyo? Paano, umaarte ka rin ba sa salamin? “Ah, opo! Dati po! Hahahaha! ‘Yung mga acting ng mommy ko ‘yung mga dati pa, ‘pag wala siya, ginagaya ko po. Hahaha!” Sino? “Si Maritoni Fernandez. Opo, mommy ko po siya.”
Ah, may dugo kang artista? Eh, ‘yung daddy mo? “Ah, Daddy ko po? Nasa Australia po hahahaha!” Ah, Australia? Foreigner siya o Pinoy? “Pinoy po s’ya.”
Ayon sa kanya, umaarte siya sa harap ng salamin. “Kung ano ‘yung nakikita ko sa script, ginagawa ko, hanggang pumayag po si mama na mag-artista po ako. Ok naman po, masayang-masaya po ako.” Ah, lalo na kung kumita ‘yung pelikula? “Hihi… opo.”
Ano ang plano mo 5-10 years from now? “Sana po nasa showbiz pa rin ako, umaarte pa rin sana. Sana, tuluy-tuloy lang po. Sana makatapos ako ng pag-aaral ko.” Bale ano ang gusto mo? “Masscom po.” Ah, tamang-tama related din ‘yan sa trabaho bilang artista, ang pagiging newscaster or reporter at p’wede ka rin dito sa GMA. Wow hah!
Ah, bale sino na ang mga naka-partner mo? “Ah, bale marami na po akong nakapareha. Kami po talaga ni Derrick Monasterio ang magka-loveteam.”
Ah, hindi ka naman na in-love sa kanya? “Ah hindi naman po. Best friends po kami ni Derrick.”
Sige sino ang naging crush mo sa males natin? “Si Dennis Trillo! Hahahah!” Napabunghalit sa tawa ang dalagita.
Ah, mabait naman siya? Hahaha! “Ah, hindi ko po alam! Pero nagu-guwapuhan po ako sa kanya.”
Bukod ‘don, ano ang mga hilig mong roles na gawin? “Ah, gusto ko ‘yung parang baliw.” Ah, ganun? Parang Sisa ang dating? “Hihihi… Actually, marami na po akong nasubukan. Naging lead na po ako, naging kontrabida. Nag-try na po ako ng comedy sa House Husband.”
Ano, masaya ka sa pag-aartista? “Ah, opo. Nagpapasalamat ako sa GMA Network kasi hindi ako nababakante.” Nice job!
Ano, nakita na natin kung ano ang mga sa likod ng kamera ng ating bida. Sige na Lexi, kunin mo ang sarili mong tagumpay at para sa ‘yo ‘yan.
Tandaan mo, anuman ang ating iniisip ay maaaring daan ito upang buksan ang maningning
na kinabukasan. Maging marunong ka lang. ‘Wag ka lang bibitaw at mahirap kasi ang malaglag, hahaha!
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments, e-mail: [email protected], [email protected]
By Maestro Orobia
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia