SA KAGUSTUHAN niya na makasama ang idol na si Robin Padilla, proud ang character actor na si Jake Joson na isa siya sa mga co-producers ng pelikulang Bato: The Gen. Rogelio dela Rosa Story na ipapalabas na sa darating na Wednesday, January 30.
May kuwento si Jake sa amin during the grand media conference of Bato. “Dati na kami magkaibigan ni Robin. Noong nakatira pa siya noon sa Sct. Santiago sa Quezon City kina Dikong (Direk Deo Fajardo) na discoverer at unang manager ng action star noon.
“Idol ko siya noon pa. Sa tagal na pagiging magkaibigan namin, hindi pa kami nagkasama sa pelikula. Kaya nang magkaroon ng chance, hindi na ako umayaw,” kuwento pa ni Jake sa amin.
Bago nabuo ang pelikula ni Direk Adolf Alix Jr., si Jake ang salarin kung bakit nagkaroon ng Bato movie si Robin.
“Hinostage ko pa yan para makipag-meeting kay Sen. Manny Pacquiao na close friend naman ni Gen. Bato. Kaya hayun, nagbuo na ng casting for the movie na minadali pa matapos para maipalabas agad,” kuwento pa niya.
Sa katunayan, recently lang nag-shooting si Jake ng kanyang mga eksena sa pelikula.
Alam n’yo ba na iniwanan pa ni Jake ang boxing champ sa Las Vegas pagkatapos manalo sa bout nila ni Adriane Broner at hindi na sumabay umuwi ng Pilipinas dahil kukunan na ang mga eksena niya with Robin Padilla on the last day of shooting ng pelikula?
“Syempre, dream come true ito. Minsan lang ito kaya nagpaalam na ako kay Sen. Manny,” masayang kuwento ni Jake.
Sa pelikula, gagampanan ni Beauty Gonzales ang role bilang asawa ni Bato. While character actor Efren Reyes Jr. ang gaganap bilang si Presidente Rodrigo Duterte at si Kiko Estrada naman will play the young Bato sa pelikula.
In the the movie, ipapakita ni Direk Adolf ang dahilan kung bakit bald or kalbo at iyakin ang dating PNP Chief.
Reyted K
By RK Villacorta