SUWERTE AKO na nakahabol ako sa last full show ng The Panti Sisters sa Festival Mall kagabi. Curious ako kung bakit ang pelikulang ito ang top grosser sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 at nagwagi pa ng Best Actor trophy si Martin del Rosario.
No regrets dahil talaga naman napakaganda ng pelikulang ito na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario. Ito bale ang ikatlong pelikula ni Direk Jun Robles Lana na nagfofocus sa mga kapatid natin sa LGBT community. Nagpasiklab bas a MMFF 2016 si Paolo Ballesteros sa Die Beautiful kung saan nadiscover ang galing ng then-newbie na si Christian Bables bilang si Barbs na bestfriend ng bayan at early this year naman ay si Martin del Rosario ang pumalit kay Christian Bables bilang Barbs sa movie version ng Born Beautiful na may mini-series counterpart din (napalabas na ito?!).
Combining the powers of the three ay inilabas na ang The Panti Sisters, na mas light, kuwela at pampamilya. Three gay brothers compete for the inheritance worth Php 300 million. Ang catch ay dapat mabigyan nila ng apo ang kanilang ama na si Don Ramon Panti (played by John Arcilla).
Dahil sa pelikula, nagkaroon ng awareness ang mga tao sa ‘demigirl’ classification ng character ni Martin del Rosario bilang Daniel Panti. Kahit for some time ay sinubukan ni Christian Bables na dumistansya sa gay roles, tila ito talaga ang tipo ng role na bagay sa kanya. Magaling din siya sa Signal Rock na ngayo’y mapapanood na sa HOOQ. Si Paolo Ballesteros ay fabulous as usual. Bentang-benta ang eksena nila ni Roxanne Barcelo na nabitin ako na hindi natuloy ang kanilang ‘kiss’. Via Antonio also shines as a butch na patay na patay sa karakter ni Christian Bables.
Carmi Martin and Rosanna Roces are both veterans na benta bilang mudrakels ng mga Panti siblings. Joross Gamboa portrayed his role as the lover of Martin na ex din ni Paolo in a respectful way.
Buti na lang talaga at naabutan ko ang kabonggahan ng The Panti Sisters sa big screen. Kahit papaano ay naibsan ang stress na nararamdaman ko kagabi dahil sa colorful film na ito!
And wait… May The Panti Sisters 2? May hidden panti? Huwat?! Abangan natin ‘yan, friendships!