THE POWER OF INFLUENCE: Bela Padilla, nakalikom ng mahigit 3 Milyon para sa street vendors

KAHANGA-HANGA ang Kapamilya actress na si Bela Padilla hindi lang dahil sa galing niya sa pag-arte at pagsusulat kundi maging sa pagiging compassionate para sa mga street vendors na nawalan ng kabuhayan dahil sa kinakaharap na krisis ngayon ng bansa dahil sa Corona Virus o CoVid-19.

Bela Padilla

Dahil sa community quarantine na tatagal ng isang buwan, maraming negosyo ang maaapektuhan. Suspended na rin ang mga klase at hinikayat na i-adapt na lang ang ‘work from home’ setup. Tanging mga frontliners at health workers lang ang pinapayagan ngayon na lumabas ng bahay para magtrabaho.

Knowing her influence and advantage as a celebrity, nag-umpisa si Bela ng isang online campaign para makalikom ng pondo para makatulong sa mga street vendors na maaapektuhan. Narito ang tweets ni Bela noong March 16:

“The best solution I came up with is for us to donate.

“I set up an account, and whatever money we do raise, let’s spilt 16 ways for the 16 cities of metro Manila affected by this community quarantine.

“I will personally see to it that the money we raise will go to the right people.”

Nagbukas ng ‘Pagkain Para sa Pinoy’ campaign ang aktres sa gogetfunding.com at in just three days ay nakatanggap ito ng mahigit PHP 3.3 Million ng donasyon mula sa iba’t ibang tao na gusto rin makatulong sa kanilang kapwa. Tinodo ng fans ni Bela ang pagshi-share at pagretweet ng nasabing funding page at umabot ito sa mga tao na may pera.

Overwhelming para sa dalaga ang positive result ng kanyang inumpisahang proyekto. Maliban dito, in-offer din ng aktor na si Marvin Agustin ang kanyang kusina para makatulong na ikinatuwa ni Bela.

Bela Padilla

Habang isinusulat namin ito ay tapos na si Bela sa pagrerepack ng mga pagkain na ibabahagi sa mga apektadong indibidwal. Una niya pinuntahan ang Barangay 182 at may ilang netizens na nagpahayag ng kanilang pasasalamat.

Sure kami na in the coming days ay mas maraming lugar pa na mapupuntahan ang kampo ni Bela. Dito mapapatunayan na hindi mo kailangan na maging pulitiko para makagawa ng mabuti sa kapwa. Mapapasabi ka na lang talaga n asana lahat ng artista sa Pilipinas, lalo na ang mga mas nakaka-angat financially o may malaking fanbase ay tumulong din sa kanilang kapwa in the ways that they know best. Hindi man superstar si Bela sa ngayon, #1 na siya sa puso ng mga taong matutulungan niya at ng mga donors niya. Mapapa-sana all ka na lang talaga!

Previous articleHeart Evangelista, nag-sorry sa ‘insensitive’ tweets
Next articleMaine Mendoza, nag-umpisa ng fundraising campaign para sa mga mga empleyadong apektado ng quarantine

No posts to display