SA KABILA ng krisis na nadadama ngayon ng bansa, nakakahugot ng kakaibang inspirasyon ang mga ordinaryong Pilipino sa ‘real-life Darna’ na si Ms. Angel Locsin.
Kung ang mga kasamahan niya sa industrya ay puro reklamo o pagpapataas ng views ang inaasikaso, ang welfare ng kapwa niya Pinoy ang pangunahing concern ng Kapamilya star na mahal na mahal ng kanyang mga tagahanga.
Narito ang latest post ni Ms. Angel Locsin:
“My thoughts: Sa gitna po ng paglaganap ng CoVid19, walang sinoman na nasa matinong pag-iisip ang magnanais na lumabas sa matataong lugar para mahawa at makahawa ng sakit. Alam natin na importante ang social distancing at proper hygiene pero hindi po ito sasapat kung may mga kababayan tayo na kelangang maghanapbuhay bawat-araw para makakain at matustusan ang mga basic needs ng pamilya gaya ng pambayad sa renta, kuryente, tubig, at iba pa. Marami rin po sa kanila ay mga contractual workers, mga self-employed, maliliit na manininda na walang tiyak na kita sa araw-araw at baon sa utang.
Kung matitiyak lang po sana ng ating pamahalaan na may financial support para sa kanila, hindi nila kelangang sumugal sa labas. Malaking bagay din kung may temporary stop on amortizations and loans o kahit pagtanggal sa interest & penalties. Sana rin ay magbigay ng consideration ang mga kumpanya ng basic utilities like kuryente at tubig bilang kawang-gawa sa mga mahihirap na apektado ng dislocation sa trabaho. Sa mga companies na tumulong sa mga empleyado, sana bigyan po ng tax break para wag malubog ang mga kumpanya.
And also, I hope Philhealth will shoulder treatment for those who have CoVid19.
Maraming salamat po sa ating mga public officials, pulis, military, etc na gumagawa at nagpapatupad ng batas para po sa kaligtasan natin. Maraming salamat rin po sa mga totoong IDOL, ang ating mga walang kapagurang health workers. Kaya natin ‘to :)” pagtatapos ni Angel (@therealangellocsin on Instagram).
Sa kanyang praktikal na payo at panawagan, sana ay mabasa ito ng mga tao at ng kinauukulan. Sana ay mag maidulot na magandang inpluwensya at solusyon ang panawagang ito. Sa kasalukuyan ay trending ngayon ang pangalang ‘Angel Locsin’.
Umayon ang mga kapwa artista tulad nina Bea Alonzo, Iza Calzado, Maja Salvador, Bianca Gonzales at marami pang iba. Sa kasalukuyan ay pinaka-dehado ang ordinaryong Pilipino na nabubuhay on a day-to-day basis. Suwerte ang ilan sa mga middle class o upper class na may alternatibong mag-quarantine o magkaroon ng stay at home/work from home set-up.
Sana ay malagpasan hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo ang global health crisis na ‘to.