The Road, the movie

MULI, ISA tayo sa inimbitahan ng GMA Films upang tunghayan ang isang malaking press conference pati na ang mga ipinagmamalaki at kinikilalang artists ng GMA. Doon ay mga masusing tanong ang binitawan ng mga kasamahan nating kilalang mga writers.

Ipinalabas na sa mga panguna-hing sinehan simula noong ika-30 ng Nobyembre, 2011 ang pinakanakakatakot at kakila-kilabot na pelikula ngayong taon ng GMA Films, ang The Road sa direksyon ng pamosong si Yam Laranas. Bago pa man naipa-labas ang pelikula, binigyan na ito ng magagandang komento ng ilang international film critics katulad ni Jason Bebe ng KillerFilm.com na nag-alingawngaw ng positibong komento ni Miska, na nagsasaad ng “creepy to the extreme. It gets under your skin and stays there.”

Ang tinaguriang psychological thriller ay pinangungunahan ng mga pangunahing artista ng GMA Network na sina Carmina Villaroel, Marvin Agustin, Rhian Ramos, Barbie Forteza at TJ Trinidad kasama sina Alden Richards, Louise delos Reyes, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, Ynna Asistio at Renz Valerio. Naroon din sa pelikula para sa mahahalagang papel ang mga artistang sina John Regala, Lloyd Samartino, Gerald Madrid, Allan Paule, Jaclyn Jose at ang ipinakikilalang sina Dex Quindoza at Ana Abad Santos.

Ang kuwento ng pelikula ay tungkol sa labindalawang taong kaso na muling nabuksan nang may tatlong kabataan ang nawala sa isang abandonadong daan o road. At habang gumugulong ang imbestigasyon, nagaganap at natutuklasan pa ang mas maraming kahindik-hindik na kuwento ng pagkawala at pagpatay. Matapos ang dalawang dekada, ang mga lihim ng daan ay tuluyan nang naibunyag pati na ang mga multong nananatili sa dilim at tinitiyak na walang sinumang aalis sa daang iyon nang buhay.

Maraming katanungan ang iiwan ng misteryoso at nakakatakot na pelikulang ito na mahusay na isinagawa ni Direk Yam Laranas na lubos na makakapanindig ng ating balahibo. At ang mas higit na nakadagdag ng maka-artistikong tema ng pelikula ay ang mahusay na cinematography na ini-execute ng Swedish composer na si Johan Soderqvist na tumanggap na ng international recognition para sa scoring ng horror-thriller na Let the Right One In.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments, e-mail: [email protected]

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleRobin Padilla, saludo sa galing Angel Locsin bilang artista
Next articleSapawan ng eksena sa nakakalokang intriga!

No posts to display