MULA NANG magsimula ang UAAP Season 78 noong September 5, 2015 ay marami nang mga kaganapan na talagang kaabang-abang ngayong season dahil lahat ng unibersidad ay nag-improve naman at unpredictable ang mga bawat laban, lalo na nang matapos ang Round 1 ay dikit-dikit lamang ang standing ng bawat unibersidad na hindi natin masabi kung sino ang mga papasok sa Final Four, dahil may round 2 pa nga naman at bilog ang bola, marami pa ang puwedeng mangyari at mabago.
Lalong tumitindig at sumusulong ang mga kaganapan sa UAAP Season 78 Men’s Basketball Round 2 at sa ngayon ay nasa kalagitnaan na tayo ng mga bawat laban sa UAAP. At sa palapit na palapit na pagtatapos ng Round 2 ng season na ito sa basketball, paunti-unti na nating natutukoy ang mga pasok sa Final 4.
Pasok na sa Final 4 spot ang FEU Tamaraws at ang UST Tigers. Last UAAP Season 77, ang umabot sa Final 4 ay ang Ateneo Blue Eagles, FEU Tamaraws, La Salle Green Archers, at NU Bulldogs. Noong semis ay nagharap ang ADMU vs NU at DLSU vs FEU. At ang nagharap sa Finals ay ang NU at FEU, kung saan nakuha ng NU Bulldogs ang Championship title. Pero ngayong season, pasok na ang FEU muli sa Final 4 at huhusayan pa nila lalo para sa Finals. Noong season ding iyon ay pang-anim lamang sa ranking ang UST pero ngayong season, simula round 1 pa lang ay nagpakita na ng husay at determinado para makapasok sa Final 4. At ngayon, sure nang pasok na sila kasama ang FEU Tamaraws.
Ang Ateneo sa ngayon ay pangatlo sa standing, kung saan nangunguna ang FEU na sinundan ng UST. Pinagtibay pa nila lalo na mapabilang sa Final 4 matapos manalo kontra NU Bulldogs noong October 25, 2015, kung saan ang final score ay 68-59 at nung 1st quarter ay pinaulanan ng 6 na sunud-sunod na tres na galing kay Kiefer Ravena. Ang talo ng NU sa game na iyon ay crucial ngunit may chance pa para sa 4th spot.
Ang DLSU Green Archers naman ang pang-apat sa ngayon sa standing at may mas mataas na tiyansa kaysa sa NU upang mapabilang sa Final 4. Pero hindi natin masabi dahil bilog nga naman ang bola, maaari pang mahabol, marami pang puwedeng mangyari lalo na at may 3 o 4 games pang natitira. Sa ngayon, maaari pang mabago ang nasa 4th spot. Mapanatili kaya ng DLSU Green Archers ang puwesto sa 4th spot? O mahabol kaya sila ng NU? lalo na at natalo ng Adamson Falcons ang La Salle Green Archers na may final score na 75-74.
Ang Standing sa ngayon ay nangunguna ang FEU na may 9 W at 1 L sumunod ang UST 9-2 at ADMU 7-4, DLSU 5-5 , NU 4-7, UP at UE sa 3-7, at AdU sa 2-9. Maging FEU, UST, Ateneo, at La Salle kaya ang Final 4? Ikaw, ano ang prediction mo? Abangan natin ang mas tumitindig at sumusulong na kaganapan sa UAAP Season 78.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo