GWAPO. MACHO. Talentado. ‘Yan ang ilan sa mga salitang tunay na makapaglalarawan kay Markki Stroem. Naalala n’yo ba kung paano halos mabaliw ang mga tagahanga ng Pilipinas Got Talent Season 1 nang umakyat ito sa entablado at kantahin ang kanyang version ng ‘Anak’ ni Ka Freddie Aguilar? Wala rin itong kiyemeng rumampa sa Cosmo Bachelors noong 2012. Well, if you have a body as nice as his, why hide it? Flaunt it!
May ilang nagtataas ng kilay at sinasabing ‘all looks but no talent’ ang mga tulad ni Markki. Hindi rin naman natin masisisi ang ilan dahil marami nga naman talagang ganyan sa industrya. Iko-confirm lang natin na hindi kasali sa grupong iyong ang Fil-Norweigan talent na ito.
Gustong buhayin ni Markki Stroem ang jazz music sa Pilipinas kaya naman ang kanyang debut album na ‘Thousands of Pieces’ na inilabas noong nakaraang taon ay napaka-personalized. Ang ilan sa original songs na ini-release ni Markki with matching deadly music videos ay ang Steal Your Soul at Thousands of Pieces. Marami rin ang naakit sa jazz version niya ng ‘Call Me Maybe’ at ‘Toxic’.
Pagdating sa pelikula naman ay hindi rin pihikan si Markki. Nitong nakaraang Cinemalaya Film Festival lang ay nagbida siya sa ‘Amor Y Muerte’, kung saan ginampanan niya ang papel ng isang sundalong Espanyol. Required din itong maging daring sa kanyang mga eksena at nagampanan niya ito nang mabuti. Pasok rin siya sa upcoming MMFF entry na ‘10,000 Hours’. Ang pinaka-nagmarka sa lahat ay ang pagganap niya bilang sosyalerang beki sa ‘Slumber Party’, na magkakaroon na ng nationwide screening starting this November 27.
Nang makapanayam ko si Markki sa pamamagitan ng e-mail, kinumpirma nito na kasalukuyan niyang inaasikaso ang kanyang ikalawang album tentatively entitled ‘Jazzified’. Mukhang unstoppable na talaga itong si Papa Markki, huh? Jazz do it!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club