MULA NOON, HANGA na talaga ako sa husay ni Alessandra de Rossi sa lara-ngan ng pag-arte. Bata pa lang ay nakitaan na siya ng angking galing sa pag-arte at sa katunayan nga, nanalo na ito ng iba’t ibang acting-related awards para sa pelikula at telebisyon. Naging in-demand model din siya para sa lingerie products at fashion features. Alam n’yo ba na isa rin siyang musician?
Unang nakilala ng publiko si Alex bilang nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi, na tinitingala bilang isa sa kinahuhumalingan ng mga barako noon. Kalauna’y nabigyan din ito ng isang magandang acting break sa pelikulang Azucena ni Carlitos Sigeon-Reyna at walang pakundangan itong nakipagsabayan sa aktingan kina Ricky Davao at Glydel Mercado. Dahil sa pelikulang ito, nabigyan siya ng ilang parangal mula sa mga respetadong award-giving bodies at nag-umpisa na rin siyang gumawa ng mga pelikula at lumabas na rin sa ilang programa ng GMA-7.
Isa si Alessandra de Rossi sa mga artistang may staying power. Bihira man itong mabigyan ng lead role sa mainstream movies at TV shows, hindi naman ito nababakante. Ang maganda sa kanya, natural ang kanyang pagganap sa mga papel na tinotoka sa kanya. May mga artista kasi na OA kung makaarte para lang mapansin ng mga kritiko o ‘di kaya’y dinadaan sa pakyut ang kakulangan sa talent. Maraming ganyan d’yan, ‘di ba?
Ilan sa mga notable performances ni Alex de Rossi sa telebisyon ay ang papel bilang Valentina sa Darna, Greta sa Tayong Dalawa, Geena sa Green Rose at bilang Corinne sa Sinner or Saint. Madalas ay supporting roles lang ang ibinibigay sa Fil-Italian actress sa mainstream movies, pero paniguradong hindi naglulugmok sa lungkot ang dalaga. Sa katunayan nga, markado ang mga pelikulang pinagbidahan niya tulad ng Mga Munting Tinig, Homecoming at Busong. Naging hobby na rin ‘ata ng lola n’yo ang umikot sa iba’t ibang film festivals abroad, huh?!
Si Alessandra de Rossi rin ang bida sa pelikulang Ka Oryang ni Sari Dalena, na kalahok sa Cinema One Originals 2011. Isa namang doktora ng mga aktibista na nagtatago noong panahon ng Martial Law ang ginampanan ni Alex dito. May mga nagsasabing malaki ang tiyansa na masusungkit nito ang Best Actress award. Sana nga!
Pagda-ting naman sa musika ay may ibubuga rin si Alex! I-search niyo sa YouTube ang mga awitin niya tulad ng Disconcerting Ride, Make it BetterDream to Me at Geena’s Song. Sana ay mai-release na ang kanyang album hindi lang sa Pilipinas, kundi worldwide! Kaya naman ‘yan basta may maispatang producer at maging ok ang marketing nito.
To Alessandra de Rossi, just keep on shining! Please send my regards to your ever dearest yaya na nakakaaliw sa Twitter, hehehe!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club