ONCE UPON a time, naloka ang mga Pinoy sa mga dubbed telenovelas na in-import pa mula sa Mexico. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatigil sa gabi kung inaaapi-api ang naggagandahang bida ng mga Mexican telenovelas, aber?!
Sa dami nang umeksenang teleserye sa ‘Pinas noong dekada 90’s, iisang babae lang ang hanggang ngayo’y nag-marka pa rin sa puso at isipan ng mga tao – si Thalia!
Pinagkaguluhan si Thalia ng mga Pinoy sa lahat ng aspeto. Tanda ko pa na marami pa nga ang nangongolekta ng mga larawan niya mula sa mga magasin (hindi pa uso ang internet noon). Sumugod ang mga loyalistang tagahanga sa Maynila ng ito’y dumalaw sa bansa. Sa sobrang tuwa, nag-record pa nga ang hitad ng mga Tagalog songs na napaka-kyut ng kinalabasan. Anditowakowh, umiibig sayoooo…
Kahit sa recent telenovelas natin, may impluwensa pa rin si Thalia. Sa katunayan nga, nagkaroon pa nga tayo ng Pinoy versions ng mga pinasikat niyang drama! Nakabibilib din na lahat ng mga pumuno sa kanyang markadong papel ay lalong sumikat at tinilian.
Si Marian Rivera, nag-umpisa bilang isa sa afternoon drama princesses ng Siyete. Nang layasan ni Angel Locsin ang network, paspasang naghanap ng kapalit ang Kapuso Network. Sa dami ng magagandang artistang nag-audition, sa Spanish-Filipina beauty napunta ang role. Nadaan sa giling, karisma at chemistry sa leading man na si Dingdong Dantes ang pagkuha ni Yanyan sa role. Maliban sa ‘Primetime Queen’ na title niya, pati real-life leading man ay nakuha niya rito! Awww!
Marami ang nagtaas ng kilay nang ipakilala sa press si Carla Abellana. Unang salta pa lang sa Kapuso Network ay Rosalinda na agad ang proyektong ibinigay sa kanya. Aminin na natin – mahiyain pa ang dalaga noon, pero tinulungan siya ng leading man na si Geoff Eigenmann na ma-overcome ito. Pagkatapos ng Rosalinda ay nagkaroon pa ng TV and movie projects si Carla na siya ang leading lady. Palaging trending ngayon sa Twitter ang namesung ni Ateng dahil sa pagganap niya bilang Lally sa My Husband’s Lover. Wow, ang romance nina Geoff at Carla ay unang nag-bloom sa Rosalinda. Hanggang ngayon ay magka-loveteam pa rin sila sa likod ng camera.
Pumunta naman tayo sa bakuran ng Dos. Kay Erich Gonzales napunta ang proyektong Maria la del Barrio. Matagal-tagal ding naghintay ang SCQ 2 Grand Questor para bigyan siya ng lead role ng ABS-CBN. Ito na rin ang nagsilbing huling proyekto nila ng ka-loveteam niya na si Enchong Dee. Unlike our first two leading ladies, hindi kay Enchong nainlab ang girlaloo. It doesn’t mean na loveless siya, huh? May dyowa itong non-showbiz guy at onscreen naman ay kay Coco Martin siya ipinares sa pamamagitan ng Juan dela Cruz.
Next month ay may isa na namang babaeng bibiyayaan ng ‘Thalia’s Touch’. Ito ay ang mestisang si Jessy Mendiola. Yes, siya na nga ang bagong Maria Mercedes! Ang babaeng laging nakapula ay nakatakdang pag-agawan ng hunk drama actors na sina Jake Cuenca at Jason Abalos. Maging hudyat na kaya ito ng tuluy-tuloy na pagsikat ng dalaga? Let’s all wait and see!
There you have it! Kaparazzi, sino ang pinaka-paborito ninyong Thalia babe?
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club