MASARAP ALALAHANIN BAGAMA’T mahirap sukatin ang tadhana ng isang tao lalo’t ganu’n na lamang ang intensyon nito sa pagsisikap at hindi naging balakid ang anumang dinaang kahirapan sa buhay na sa bandang huli ang napagsikapan ay isang mahusay na pamana sa mga anak. Iyan si Joe Taruc.
Ayon sa kanya, 50% na bawas sa bayarin ay dahil nag-qualify siya sa Managing Editorial Board ng Jose Rizal College at sa pagiging Salutatorian noong high school. At lahat ng pakiusap ay ginawa niya upang makarating sa Maynila hangga’t nasumpungan niyang natulog sa tabi ng estatwa ng kalabaw sa Rizal Park na kahit singko ay wala. “Nagtrabaho ako bilang taga-liha ng muwebles, ang kita ko, 1.50 per day.” ‘Eto at sundan natin ang kuwento ng kanyang buhay.
Bukod sa pagiging Senior-Vice President ng DZRH, maririnig siya tuwing 5:00 a.m. kasama si Vic Sibayan kasunod ng solong programang talakayan ng Damdaming Bayan. Dito niya nakakapanayam ang mga naging at kasalukuyang Pangulo ng bansa. “Actually, nag-start ako ng career ko as an accountant.”
Ayon pa sa kanya, nagkatuwaan lang sila ng mga kabarkada nang pumasyal sa ABS-CBN at sumali sa audition para sa radio nito. Suwerte naman dahil out of 600 na pumila ay isa siya sa dalawang napili. “At du’n sa ino-organize na Radio Patrol Group, original member ako.”
At kita naman simula noong 1968 hanggang ngayon ang kanyang dedikasyon bilang media man. Biniyayaan si Joe ng apat na anak – sina Jose Taruc III, Jose Taruc IV, Jose Taruc V at isang babae, si Joanne. Puro graduate na lahat. Si Jay Taruc, nasa GMA-7. ‘Yung dalawa niyang anak nagma-manage ng business at ang kanyang bunso ay kasama sa bahay.
“’Yung very prominent eh, ‘yung pinagalitan ako ni Marcos sa Malacañang na live kami on radio and TV, na tumayo siya at tinuro ako because of the Golden Buddha. Remember the Golden Buddha issue? ‘Yung kay Rogelio Roxas.” Totoo ba ‘yun, sir? “’Yun ang ano eh,kaya nagalit si Marcos, eh. Pagkatapos ‘nung isa pang nagalit si Marcos ‘nung habulin ako ng mga PSG sa loob ng Wack-Wack golf course. Eh, ‘pag naglalaro noon ng golf si Marcos eh, ayaw makakarinig ng ingay nu’n eh, kahit huni ng ibon. Eh, nu’ng kailangan ko siyang interbyuhin, dinala ko ‘yung Land Cruiser sa loob ng golf course, habulan kami ng mga PSG. Hahaha!”
During Martial Law, naalala naman niya nu’ng nasa field pa siya. “Ah ‘yung First Quarter Storm. ‘Yung araw-araw na umuulan ng pillbox at saka Molotov cocktails at everyday merong ganyang demonstrasyon sa Metro Manila. ‘Yung Diliman Commune during the First Quarter, grabe rin ‘yun. Marami ‘yun, hindi lang mapanganib kundi matindi ‘yun. At saka uso pa ‘yung pinatatamaan ng bala na ‘to whom it may concern’. ”
Sa ngayon, mayroong more than 100 na field reporters, correspondents at regular reporters at mga ina-assign pa sa ibang bansa ang DZRH sa pamumuno ni Joe Taruc.
Ibahin naman natin ang topic, sir. Paano ho kayo nanligaw sa misis n’yo? Paano ba ang style ninyo? “Ahahah! Ah, parang kasama na ‘yun sa trabaho. Kasabay na ‘yun. Kasi napangasawa ko private secretary ni Ninoy Aquino. Ah, nagko-cover ako noon, sabi sa akin ni Ninoy, ‘Ah, walanghiya ka! Akala ko, ako ang kino-cover mo, secretary ko pala!’ Hahaha!
“Medyo pagod na rin. Sa edad na 65, pahinga siguro ng konti. Kasi naman, there was a time na wala halos akong tigil eh, Mondays thru Sundays wala akong day-off. Gumigising ako ng 3:00 a.m. for 43 years. Darating ang araw talaga eh, papahinga ka eh, at magkakasakit ka. Gusto ko pagdating ng araw, pumunta sa isang lugar na walang kuryente, hindi ka maabala, hindi ka tututok sa radio, sa TV… at walang cellphone.”
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia