HINDI LAHAT ng mga artista na namamayagpag sa showbiz ay may pangarap ng tulad ng kay Yasmien Kurdi.
Sa grand media conference ng bagong serye ng GMA-Kapuso Network na Hiram na Anak, ipinagmamalaki ni Yasmien na malapit na niya makuha ang kanyang inaasam-asam na diploma after all the years ng pagtitiyaga na mag-aral sa kabila ng pagiging busy din niya sa kanyang showbiz career bilang isang artista.
Proud si Yasmien dahil kahit hectic ang working sked niya ay pilit niyang isinasabay sa kanyang pagaartista sa kanyang pag-aaral.
Ga-graduate na ang aktres sa kursong nursing sa Arellano University siya nag-aaral (hindi namin naitanong ng kurso niya), at malapit nang mag-graduate.
Kuwento niya tungkol sa nalalapit niya na pagtatapos: “Sa tinagal-tagal ko sa kolehiyo, sa lahat ng hirap, puyat na pinagdaanan ko sa buhay para lang makapag-aral habang nagtatrabaho para itaguyod ang aking pamilya, sa dami ng nakuha kong units sa mga kurso na parang nakapag-masteral na ‘ko, lol! Finally, malapit na ‘ko mag-graduate.”
Dagdag pa niya: “Sobrang excited na talaga ako ‘pag naiisip ko na malapit na ‘ko magmartsa at matutupad na ang matagal nang pinapangrap ko at ng aking nanay. Mama, malapit na po, pasensiya na at na-late ako.”
Ang bagong drama serye ni Yasmien ay pre-programing ng noontime show ng GMA, ang Eat Bulaga.
Sa serye, makakasama ng aktres playing her husband si Dion Ignacio, Rita Avila, Paolo Contis, Lauren Young at Empress Schuck sa morning drama serye sa direksyon ni Gil Tejada.
One nice thing about GMA Kapuso series ay ang workshop na ibinibigay nila sa kanilang mga cast bago magsimula ang taping ng bawat shows para maging familiar sila sa isa’t isa at mawala ang pag-aalangan ng bawat isa kapag nagsimula na sila mag-taping.
Reyted K
By RK Villacorta