PALIBHASA KINAKITAAN agad ng galing sa pag-arte si Thea Tolentino sa drama series na Ana Karenina kaya’t agad itong binigyan ng break ng GMA-7 para maging bida sa afternoon primetime series Pyra, Babaeng Apoy with upcoming leading man Jeric Gonzales who plays the role of Jeffrey Calida, an uptight and perfectionist geek who eventually fall for Pyra.
Super excited ang dalaga nang makausap namin ito. Hindi nga raw siya makapaniwalang may sarili na siyang soap.
“Hindi ko bibiguin ang mga taong naniniwala sa aking kakayahan bilang artista. Bata pa lang ako, pangarap ko nang mag-artista. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na matupad ang aking mga pangarap,” say niya.
May pinaghugutan ang istorya ni Pyra, hindi ito kathang-isip lamang. In July 2012, may report na eleven year old boy with super psychic abilities in Gubat, Sorsogon. Ayon sa balita, may power itong mag-produce ng apoy. Nai-feature pa nga ito ni Jessica Soho sa kanyang show sa GMA-7. Ganitong kaso rin ang nangyari sa three-year old in Antique in March 2011.
Very challenging ang character ni Thea as Pyra sa newest drama-fantasy ng Kapuso Network na magsisimula ngayon Lunes, August 26. Makikipagtagisan siya ng aktingan kina Angelu de Leon, Gladys Reyes, Roxanne Guinoo, Ryan Eigenmann, Christopher Roxas, Polo Ravales and Janno Gibbs. Hindi naman nahirapan ang young star sa kanyang mga dramatic scene dahil nag-workshop naman ito kay Ms. Anne Villegas.
“Very supportive naman po silang lahat sa akin. Binibigyan nila ako ng pointers kung papaano maging isang mahusay na artista. Gagawin ko ang aking makakaya para maging karapat-dapat sa break na ibinigay nila sa akin,” sambit nito.
Na-impress si Angelu sa mga dramatic scene nila ni Thea. Maging si Direk Roderick Lindayag na siyang nag-direk ng top-rating programs na Alakdana, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Hiram Na Puso at Kakambal ni Eliana ay na-surprise sa acting power ng dalaga. Madali raw kasing mag-build-up ng emosyon si Thea sa bawat eksena kaya’t hindi nahirapan itong idirek ang young star.
“May potential si Thea na maging isang magaling na actress. Nakita ko sa kanya ‘yung dedication sa trabaho at ‘yung passion na maging isang magaling na artista,” papuring sabi ng actress.
“Hindi ko sasayangin ang pagkakataon ito. Iniisip ko lang ‘yung hirap na pinagdaan ko bago ko narating ang kinalalagayan ko sa ngayon, naiiyak na po ako. Du’n ko po kinukuha ‘yung emosyon ko sa mahihirap naming eksena ni Tita Angelu,” makahulugang pahayag ni Thea.
Inamin ni Thea na crush niya si Jeric noong nagsisimula pa lamang sila sa artista search na Protegee. Kumusta naman ang relationship nila?
“Mas lalo po kaming naging close nang mag-workshop kami. Madalas kaming nagkikita at palaging magkasama. Relax akong katrabaho si Jeric, nakikilala namin ang isa’t isa. Pareho pa kaming taga-Laguna. Nagpipigil lang po ako, kasi ang priority ko, ang career ko. Pareho lang kami ni Jeric, trabaho muna saka na ‘yung personal life. Concentrate muna kami sa career. Ngayon palang po nagsisimula…” aniya.
SPEAKING OF Angelu de Leon, nagbigay ang actress ng Angus tapa sa presscon ng Pyra, birthday gift niya ito for the press. Sobrang blessed na raw siya kaya wala nang mahihiling pa sa buhay. Masaya’t maligaya siya sa kanyang pamilya. Tuluy-tuloy ang TV project sa Kapuso Network.
Balik-drama series si Janno Gibbs na matagal na rin namahinga sa telebisyon. This time, Pyra’s doting gay mentor Sir Aidan ang papel na gagampanan ng country’s King of Soul. Na-miss ng singer/comedian ang acting kaya nang i-offer sa kanya ang proyekto, agad niya itong tinanggap. Masarap daw paglaruan ang character ng isang gay, maraming puwedeng gawin.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield